Maria, Maria...

La Imaculada Decepcion

Sources:
Graham Phillips, The Marian Conspiracy (Sidgwick & Jackson, 2000)
Marina Warner, Alone of All Her Sex (Picador, 1976)
John Shelby Spong, Liberating the Gospels (Harper, 1996)
John Shelby Spong, Born of a Woman (Harper, 1992)
Robin Lane Fox, The Unauthorized Version (Penguin, 1991)
Leslie Houlden (Ed.), Judaism & Christianity (Routledge, 1988)
W.H.C. Frend, The Rise of Christianity (Darton, Longman & Todd, 1984)
Riane Eisle, The Chalice & the Blade (Harper Collins, 1987)
Ruth Harris, Lourdes: Body & Spirit in the Secular Age (Allen Lane, 19990
Roy A. Varghese, God Sent - A History of the Accredited Apparitions of Mary (Crossroad, 2000)


email the author –
Kenneth Humphreys
Site Search: search tips    site map
29.04.10

This article and over fifty others are now available as a book. For your copy order here.

 

 



Si Vesta – Ang Babaeng Tagapagsanggalang ng Roma

‘Bilang matanda at walang hanggang tagapangalaga ng Roma at ng kanyang mga pinuno, tinanggap ni Vesta sa mga panahong mapanganib na ito ang higit na pagpipitagan kaysa sa alin pa mang panahon.’

– Michael Grant,  (Ang Rurok ng Roma, p168)

 

 

 

 

Dito Ba? (Griyegong Alamat)



Balon ni Maria sa Nazareth


O Dito Kaya? (Katolikong Alamat)


Ang Groto ni Maria sa Nazareth


May kalalituhan kung saan nga ba nagpakita ang anghel Gabriel upang ipagbigay-alam ang banal na paglilihi!

 

 

 

 

 

 

Si Isis – Ina ng Dios

Si Isis at ang Sanggol – pinagkopyahan ng 'Ina ng Dios'

 

 

 

 

Ina at Niño, istilo Romano

Magna Mater (Si Cybele, ang Dakilang Ina) kasama ang niño na si Attis (Ostia, Roma).

Kinapon ni Attis ang kanyang sarili, dinugo hanggang mamatay, at pagkatapos ng 3 araw ay nagbalik na buhay bilang isang punongkahoy. Kaya nagkaroon sila ng piging ng pagbubuntis bago pumasok ang panahon ng tag-init.

Pamilyar ba?

 

 

‘Madonna at ang Niño’ ng mga Coptiko sa Fayum, Ejipto. Naging Cristiano na si Isis!

 

 

 

 

 

 

Birheng Reyna

“Sa totoo nga, naabot ng kulto ng Birhen ang karurukrurukan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Noong 1950, naging dogma ng simbahan ang pag-akyat ng katawan ni Maria sa langit; noong 1945 ay pinangalan siya ni Pio XII bilang Reyna; samantalang noong 1964 – pagkatapos ng pagsisimula ng Ikalawang Kunsilyo ng Vaticano – ay ginawa siyang Mater Ecclesiae (Ina ng Simbahan)…

Malaki ang sinasabi nito sa papel ng kababaihan sa isang kulturang patriarkal.”

– D. Hampson, Pagkatapos ng Cristianismo, p175/6.

 

 

 

 

 

 

 

“Ang Ating Ina ng Guadalupe”



Kahanga-hangang babae! “Tiempong” lumitaw na lang si Maria noong 1531 upang tulungan ang mga pusakal na kungkistador.

“Nagpakita siya kay Juan Diego nang nahahalata na nila na ang Simbahan ay hindi gaanong matagumpay sa mga katutubo ng Nueva Mundia.”

– Roy A. Varghese (Sinugo ng Dios, p44)


Gamit and isang pagpapakitang diyata’t “napakagaling” ng tiempo – lakip ang masaganang paninindak – ang nagsiguro sa pag-anib sa simbahan ng mga Aztec.

 

Jambo-Nanay

Isang dambuhalang Maria ang nakatore sa ibabaw ng maliit na Cristo – (sa Peru noong ika-17 siglo)

 

 

 

 

Kahanga-hangang babae!

Habang nagbabagsakan ang mga lumang imperyo sa Europa at niyayanig ng himagsikan ang Russia, bigla na lang lumitaw si ‘Maria’ sa Portugal at pinasayaw ang araw!

 

 

 

 

Aba Ginoong Maria!

Ang “pagbati ng anghel” (ang “Ave Maria” o dasal kay Maria) ay naging laganap lamang noong ika-12 siglo.

 

Mga madre kasamang nagmamartsa sa likod ng mga Nazi sa Croatia (hinimok kaya sila ni Maria?)

 

 

 

 

 

*Ang Awit ni Ana

“At umawit si Ana, at sinabi, Nagagalak ang puso ko sa Panginoon, ang aking sungay ay itinaas sa Panginoon: naglulumaki ang aking bibig laban sa aking mga kaaway; sapagkat nagagalak ako sa iyong kaligtasan. Walang banal na gaya ng Panginoon …

Ang mga pana ng makapangyarihan ay nabibiyak, at sila na natitisod ay binibigkisan ng lakas … Sila na magugutom ay hindi na: kaya’t ang baog ay nagsilang ng pito; at siya na maraming anak ay nanglulupaypay.

And Panginoon ang nagpapadukha, at nagpapayaman: siya ang nagpapababa, at nagpapataas. Inaakyat niya ang mga dukha mula sa alikabok …

Ang mga kaaway ng Panginoon ay pira-pirasong madudurog.”

(1 Samuel 2.1,10)

 

 

 

 

Santisima Tirador!

 

 

 

 

Mula Pusikit na Anino hanggang Reyna ng Langit

Sino?

Kung kakatiting ang sinasabi ng mga kasulatan tungkol kay Jesus, halos gapuwing na lang ang sinasabi tungkol sa kanyang diumano’y ina. Kung tratuhin ng mga naunang Cristiano si ‘Maria na Ina ni Jesus’, siya ay halos hindi umiral: hindi sila interesado sa pagkasilang ng kanilang taong-dios – sapagkat ang mahalaga sa kanila ay ang kanyang pagkasilang na muli pagkatapos mamatay. Hindi binanggit ni Pablo si Maria (o si Jose) kahit minsan, at sa mga ebanghelyo, ang nagdudumilim na larawan ni Maria – siya na nakatakdang maging Reyna ng Kalangitan at pinakatanyag sa lahat ng mga santo – ay isa lamang mababaw na nada persona.

Sa drama ng ebanghelyo, limilitaw si ‘Maria’ sa mangilan-ngilan lang na mga eksena. Sa lahat ng mga ito ay isa lang siyang payak na karakter, madalas ay nasa likuran at halos walang tinig (tatlong ulit lang siyang maririnig na magsalita, at dalawa dito ay tig-iisang pangungusap lang). Hindi siya ipinakilalang mabuti (sa bagay ganun din naman lahat ng mga tauhan ng ebanghelyo!); at ni hindi man natin alam ang kanyang gulang. Isa lang siyang extra, na sa kalakhan ay may papel bilang ‘testigo’. Wala tayong matutuklasan tungkol sa kanyang pinanggalingan, maliban sa pagiging magkadugo nila ni pinsang Elizabeth at bilang katipan ni Jose. Una siyang lalabas sa diumano’y ‘Pagpapakita’ ng anghel (sa balon …?) na gumuhit para sa kanyang ng kanyang magiging kapalaran. Pagkatapos ng walang masyadong salita, tinanggap niya diumano ang ‘pinagpalang’ gampanin na ipinahayag sa kanya (Lucas 1.38) at dalidaling sumibat sa bundok nang tatlong buwan upang makasama ang nagdadalang-taong si Lizzy (magiging nanay ni Juan Bautista). Sa pagkakataong ito, ang oras ng kanyang pinakamalaking eksena na tinatawag na ‘Magnificat’, ay sinalita niya ang kanyang nakahandang monologo (bigla na lang yata naging madaldal ang dati’y walang kaimik-imik):


Dinadakila ang Panginon ng aking kaluluwa,
At natutuwa ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas.
Sapagkat nakita niya ang kababaan ng kanyang lingkod;
Masdan, tatawagin akong pinagpala ng lahat ng salinglahi mula ngayon.
Siyang tinatawag na makapangyarihan ay gumagawa ng kadakilaan sa akin;
At banal ang kanyang pangalan.
Ang kanyang awa ay nasa kanila na natatakot sa kanya
Sa lahat ng salinglahi.
Ipinamalas niya ang lakas ng kanyang bisig;
Ikinalat niya ang mga hambog sa pagkakatha ng kanilang puso.
Ibinagsak niya ang mga malalakas sa kanilang mga luklukan,
At binusog niya ng mabubuting bagay ang mga gutom;
At itinaboy na salat ang mga mayayaman.
Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod,
Bilang pag-alaala sa kanyang awa;
Na nagsasalita siya sa ating mga ama, kay Abraham,
at sa kanyang binhi magpakailanman.
(Lucas 1.46-55)


Dios lang ang may alam kung sino pa ang nasa silid (o kuweba ba?) upang irekord ang kanyang sinabi. Marahil inulat niya mismo ang kanyang mga alaala. (Ang katotohan, ang talumpating ito ay halatang pinulot mula sa Awit ni Ana. Pagkatapos ng monologo na ito ay wala na siyang sasabihin pa sa ganang kanyang sarili. Magiging saksi siya sa pagdalaw ng mga pastol at mga mago at ‘nagbulay-bulay sa kanyang puso’ (Lucas 2:19); dinala siya sa Ejipto (Mateo 2.13,18) at ibinalik sa Galilea; namangha siya sa mga pasaring ng dose anyos na anak (Lucas 2.48,52); nasaksihan na gawing alak ang tubig (Juan 2.1,12); itinakuwil siya ng kanyang sikat na anak (Lucas 8.18,21); nasaksihan ang kanyang pagkapako sa krus (Juan 19.25,27); at hinintay ang espiritu santo (Gawa 1.14). Ang kanyang huling kinasapitan ay hindi tinukoy at wala siyang naging anomang kapapel-papel sa paglikha sa Simbahang Cristiano.

 

Padron Pagano

Sa kabila nang lahat, sa pagdaan ng panahon, nagawa ng mga ‘maguniguning’ manunulat Cristiano na lagyan ng buto’t-laman ang palitong karakter na ito. Kadalasan, ang mga dios ng mga pagano ay isinisilang mula diumano sa mga inang birhen – malimit bilang resulta ng pagbubuntis nang tamaan ng isang sibat ng sinag ng araw. Ang nagiging bungang dios-na-araw ay nakasalarawan bilang isang sanggol sa dibdib ng kanyang ina – walang iba kundi isang ‘Madonna at Sto Nino’! Ang ganitong mga paganong imahen ay matatagpuan mula Ejipto hanggang China. Ang sariling bersiyon ng mga Romano dito, si Vesta, ay kilala dahil sa isang eternal na apoy at dahil ng pinaglingkuran siya ng mga babaeng nag-iingat sa kanilang pagka donselya.

Tinalbugan lahat sila ni ‘Maria’ ng mga Cristiano sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kambal na milagro: ang pagiging ina ng isang dios sabay sa pananatili ng kanyang pagka birhen sa loob ng dawalang libong taon! Subalit maraming siglo rin ang kakailanganin upang ang lahat ng mga sangkap ng mga sari-saring alamat ng mga pagano ay maisanib para sa mga Cristiano sa isa lamang tao.

Parang alingawngaw ng inimbentong talambuhay ng taong-dios, ang sariling talambuhay ni Maria ay marahang namukadkad sa loob ng daan-daang taon. Iniakyat muna ng mga sinaunang manunulat Cristiano tulad nila Justin at Ireneo ang estado ni Maria bilang ‘ikalawang Eva’, na bilaliktad ng ‘pagkamasunurin’ niya ang epekto ng kasalanan ng orginal na taga-hardin.

Si Justin ‘Martir’, isang Griyegong taga-Palestina na tumakas sa Efeso noong panahon ng himagsikang Bar Kochba, ay sabik na niyakap ang musmos na relihiyong Cristiano na nakilala niya sa lungsod. Ngunit ang kasabikan niyang ito ay nahawaan ng mga matatandang literaturang Griyego na dati na niyang kabisado. Sa kanyang nilipatang lungsod ay matamang sinasamba sa loob ng isang libong taon ang diosang-buwan na si Artemis (o kilala ng mga Romano bilang Diana) bilang birheng taga-ingat ng mga kabataan, ng kabirhenan, at ng pagbubuntis. Dahil dito ay naging isang mayamang destinasyon ang lungsod ng mga namamanata. Ang mga unang mangangalakal ng bangko sa mundo ay mga saserdote ni Artemis.

 

Naging Birhen

Pinasimulang haluan ni Justin ang kanyang Cristianismo ng mga sangkap ng kalabang kulto. Sa kabila ng matinding pagtutol noon ng mga ‘matatag’ na Cristiano, pinilit na palawigin ni Justin ang manipis na kuwento tungkol kay Maria gamit ang kanyang sariling guniguni ng ideya na ang inang ito ay nanganak na isang ‘birhen’. Ang paniniwalang ito, ayon na rin sa kanyang inamin, ay batay lamang sa ‘mga hula na inilatag ng mga pinagpalang propeta’. Sa maladi’t sabi, batay sa Isaias 7.14 na notoryus sa kanyang maling pagkakasalin sa Bagong Tipan (ang salitang ‘birhen’ ay ipinalit sa dapat sana’y salitang ‘kabataang babae’; tingnan ang: Lying for God – Virgin Birth Fraud) na makikita sa Septuginta. Sa mundo kung saan ay nakikipag paligsahan ang Cristianismo sa mga lalong matatandang paniniwala, hindi nakakapagtaka na sa bandang huli ay pumayag na rin ang mga tagasunod ni Cristo sa isang ‘Birheng Pagsilang’. Ang ‘mahiwagang’ pagdating ng aral na ito ay nagsilbing sagot sa mga tumutuligsa noon na kung totoo ngang nagkaroon ng Jesus ay lubhang kuwestiyonable kung sino ang mga magulang nito.

Ang sumunod na malakihang paglilikot sa alamat ni Maria ay nangyari noong ika-2 siglo, sa pamamagitang ng tinatawag na ‘Protevangelyo ni Santiago’, isang kasulatang namumutawi sa kahuwaran na kahit ang Simbahang Katoliko mismo ay itinanggi ito mula pa noong panahong Renaissance.

Sa kabila nito, dito nakasalalay sa santong kalokohang ito ang maraming paniniwala ngayon tungkol kay Ginoong Maria, katulad halimbawa ng mga pangalan ng diumano’y mga magulang at ninuno niya, ang kuwento tungkol sa kanyang kahanga-hangang pagkabata (“iniwan sa Templo mula tatlong taong gulang” – isang pangyayari na walang katulad sa buong kasaysayan ng mga Judio!); ang kanyang hilig sa pagkabirhen mula pagkabata (bakit – alam ba nya kung ano ang mangyayari?); pakikipag-usap sa mga anghel araw-araw; at ang kanyang “ligtas” na pag-aasawa sa isang ugud-ugod na biyudo na si Jose nang siya’y dalagita lang. Lakip ang mga ‘dagdag’ na ito sa kanyang kasaysayan, nagsimula ang pag-akyat ni Maria bilang tagapamagitan, na higit pa ngang malambing diumano kaysa kay Cristo dahil sa kanyang ‘mapagpakumbabang’ pagka-nanay. Biglang pumutok ang maraming pagsasalarawan sa kanya ng mga debuho, ngunit kakilakilabot na pawang nakakahawig parati sa pinagpulutan ng kanyang karakter – si Artemis, ang diosa na mahigit nang isang libong taong namamayagpag noon.

Pagkatapos ng isang daang taon pa, idinagdag pa ng ‘Ebanghelyo ng Kapanganakan ni Maria’ (at akala ninyo sobra-sobra na ang mga ebanghelyo?) ang ibang detalye. Alam na natin na ang pagluwal niya sa mga matatandang magulang na sina Ana at Joaquin ay isang simpleng pag-uulit lang ng kapanganakan ni Samuel mula kina Ana at Elkana na matatagpuan sa 1 Samuel. Ngunit ngayon ay matutuklasan pa natin ang mga kasarapan kulad ng pitong naging asawa ng lola ni Maria. Anim sa kanila ay inutas ng Panginoon dahil nakaramdam sila ng libog habang nakikipagtalik. Mabuti na lang ang ika-pito ay katulad ng isang tuod habang ginagawa ang makasalanang gawa, kundi ay hindi sana lumitaw si Ana, si Maria, si Jesus, at ang buong perya.

 


Nanatiling Birhen

Kahit na sinasabi ng mga ebanghelyo na si Jesus ay nagkaroon ng apat na kapatid na lalaki at dalawang (hindi pinangalanang) kapatid na babae, nahiligan ng mga teyologo ni Cristo na ikatuwiran na ang birheng “kadalisayan” ng kanilang diosa ay hindi dapat maisapanganib. Pilit nila, nanatili siyang birhen sa kabila ng buong pinagdaanan niya sa panganganak.

"Noong ika-4 na siglo, naging bantog ang kaisipan na ang himeneya ni Maria ay nanatiling buo sa kabila ng panganganak kay Cristo … Ang pagkabirhen ni Maria sa kabila ng buong proseso ng panganganak ay isang usaping tinalakay ng lahat ng mga dakilang teyologo ng panahong ito."

– D. Hampson (Pagkatapos ng Cristianismo, p189)


Habang nagiging laganap ang aral ng walang hanggang kabirhenan ni Maria, kumalat din ang kalituhan sa mga teyologo tungkol sa mga kapatid ni Jesus. Kailangang maitugma nila ito sa bagong aral, kung kaya’t ang ‘mga kapatid niyang lalaki at babae’ ay naging mga ‘pinsan’, o mga ‘kinakapatid’, atbp.

Ang ikaapat na siglo ay natatangi sa kanyang pagiging akma sa pag-usbong ng kulto ni Maria, salamat sa mga pamosong pagbibiyahe-biyahe ni Reyna Elena. Bilang ina ni Emperador Constantino, marahil ay nakikita niya ang kanyang sarili sa sandalyas ng orihinal na Ina ng Sandaigdigan. Si Elena ang imbentor na ‘arkeyolohiya de iglesia’ (o kung hindi man, ng industriya ng pamamanata at relikya).

Saang dako man siya makarating sa Palestina ay ‘nakakahanap’ siya ng ‘ebidensya’ kay Cristo, at pagkatapos ay ipag-uutos ang pagtayo ng simbahan sa naturang dako: ang yungib ng kapanganakan ni Jesus (yun ang sabi ng mga tagaroon), ang bahay sa huling hapunan (yun ang sabi ng mga tagaroon), ang hardin ng Gethsemani (yun ang sabi ng…), ang burol ng pagpapako sa krus, ang libingang walang laman, ang krus mismo, at pati ang puno mismo na pinagputulan ng krus! At natural, nahanap rin ni Elena ang pinaka lugar (isang ‘yungib’) sa Nazareth kung saan ibinigay ni Gabriel ang kanyang ‘pahayag’ kay Maria. Tulad ng iba pang mga dambana, ito pagkatapos ay nagiging puntahan ng maraming mga patron mula sa imperyo at ng mga mayayamang namamanata. Kasama ng dambana ay lumitaw din ang piyesta ng ‘Anunciacion’. (Malas lang ng bayan ng Capernaum, ang pangunahing dako ng ministeryo ni Jesus – hindi umabot dito si Elena, kaya naglaho sa pagkalimot ang bayan!)

 

La Imaculada Decepcion

Noong ika-limang siglo, sa kunsilyo ng Efeso (431 AD), ibinigay kay Maria ang pamagat na “Theotokos’ (‘Ina ng Dios’)

"Ang pinakasiguradong sanggalang laban sa erehiyang Cristolohiko ay ang patotohanan at pagpitaganan si Maria bilang Theotokos." 
(Varghese, p43)


Sa madali’t sabi, may tangka na na itigil ang nagpapatuloy ng pagkukuro-kuro tungkol sa kung hanggang saan ang pagiging tao, at hanggang saan ang pagiging dios, ng banal na anluwagi. Dios siya, walang pagsalang bahagi ng “Trinidad”, at si Maria ang kanyang Ina.



Kinokoronahan ng “Trinidad” ang “Reyna ng Kalangitan”

Ilang Dioses na Sila Lahat Ngayon?

Ang Efeso, siyempre, ay matagal nang tahanan talaga ng Ina ng Dios, kahit na noong panahong iyon ay masaya na siyang tinatawag sa pangalang Cybele, ang ina ng namatay/muling isinilang na dios na si Attis.Noong panahong Romano, ang Cybele ng Phrygia ay katumbas ni Artemis ng mga Griyego. Sa pamamagitan lang ng kaunting pagbubutingting, tagumpay na ‘naisakristiyano’ ang mga ito. Entoses, tuloy-tuloy lang ang negosyo!

Dahil sa hilig sa mga mararangyang rituwal ng palasyo, mas nasa panlasa ng mga Romano ng Byzantina ang isang Maria na reyna, sampu ng korona at setrong baston, kaysa sa Maria na isang dukhang babaeng taga baryo. Tulad mismo ni Jesus, naging ‘maharlika’ siya at inangat sa antas ng mga santo. Inindorso naman ng Kunsilyo ng Costantinopla noong ika-6 siglo (553 AD) ang dogma ng “walang hanggang pagkabirhen” ni Maria. Ang “kadalisayan” ng pagiging birhen, wari baga sa pananaw nila, ay lalong malapit sa “kadalisayan” ng Dios.

Pagdating ng ika-pitong siglo ay napalitan ng mga malikhaing imbentor ang malamyang pagtatapos ng kasaysayan ni Maria ng isang mas kasiyasiyang wakas. Pinatanyag ni Juan Damaseno (kasama ni Gregory ng Tours) ang kuwento na ang katawang laman ni Maria (hindi lang ang kanyang espiritu) ay “ipinapalagay” na nasa Langit (tulad ulit ng nangyari rin sa kanyang pamosong anak). Nabuhay si Juan sa bayan ng Umayyad sa Damasco, at ang turo ng baguhang relihiyong Islam doon na ‘umakyat sa langit’ si Muhamad noong 620 (ayon sa Qur’an 17.1) ang malamang na pinagpulutan nila ng ganoong ideya. Ang aral na Napasalangit si Maria ay itinalaga lamang bilang isang promal na dogma ng simbahan nitong taong 1950 sa pamamagitan ni Papa Pio XII.

 

Pag-Angat at Pag-Angat

Nagsagawa muli ng kunsilyo ang mga pari at obispo sa Nicaea noong 787. Ang patuloy na pag-angat ni Maria ang muli nanamang laman ng talakayan. Nauna nang ipinagbawal ng dalawang emperador, si Leo III (717-741) ang ng kanyang anak na si Constantino V (741-775), ang “idolatrya” ang ang mga sarisaring “santong imahen” na kaakibat nito. Dahil sa kanilang “ikonoklastiya” ay biglaang nabura ang pinagkakakitaan ng daan-daang mga monasterya at mga parokya, at humantong sa banggaan ng Simbahan at Palasyo. Natinag ng puwerya ng relihiyon si Reyna Irenea, na siyang kumakatawan noon sa kanyang musmos na anak na si Constantino VI, kaya pinulong niya ang ika-7 Kunsilyo Ecumeniko.

Magigasig na itinulak ng Konsilyo ang pagtanggap sa mga imahen, partikular ang pagpipitagan kay Maria.

"Inituro ng Panginoon, ng mga apostol, at mga propeta noong una pa lamang ang pagluwalhati kay Maria, na siyang kataastaasan sa lahat ng mga kapangyarihan sa langit. Kung sinoman ay hindi ipahayag na ang banal at birheng walang hanggan na si Maria, tunay at totoong Ina ng Dios, ay lalong mataas kaysa alinmang nilalang na nakikita o di-nakikita, at ayaw magmakaawang may buong pananampalataya sa kanyang pamamagitan, sa harap ng kanyang makapangyarihang tulay sa ating Dios na isinilang sa kanya, ay sumpain siya." – (Varghese, p16)


Nong ika-siyam na siglo, bahagya na lamang talbugan ni Maria ang taong-dios mismo – at kayang gawin ng pamunuan ng Simbahan kay Maria ang anomang gusto nitong gawin sa kanya.

 

Walang Sala

Noong unang isulat ang pagkasilang kay Maria, hindi ito higit na “malinis” kaysa kanino man (palibhasa alam naman natin na ang orihinal na kasalanan ay naipapasa sa pamamagitan ng pagtatalik). Nagkakaisa ang mga sinaunang Ama ng Simbahan na si Cristo lamang ang isinilang na walang kasalanan. Wala silang duda: na si Maria ay isang makasalanan. Ngunit palibhasa ang sinapupunan ni Maria ay sumasagisag sa pansamantalang tahanan ng kanilang bayani, magiging suliranin sa isyu ng kadalisayan ang pagkakaroon ng nabahirang sinasapupunan ni Maria. Iyon ay kung may panahon kang payag aksayahin sa pagmumuni-muni sa ganyang mga bagay.

Nagbigay-bahagi rin sa pagbuo ng pabulosong alamat ang amaangat na relihiyong Islam noong ika-7 siglo – isang relihiyong masayang niyakap si “propeta Jesus”, si Maria, sampu ng kanyang kabirhenan. Ayon sa isang tradisyon ni Muhamad, bawat bagong silang na sanggol ay ‘nasaling’ ni Satanas. Alang-alang kay Maria at ng kanyang tanyag na anak, naglagay ng Dios ng isang balot ng proteksiyon. Ang kaisiping ito na si Maria rin (at hindi si Jesus lamang) ay walang-sala ay umihip na pabalik sa Simbahang Katoliko. Sulat ni Edward Gibbon:

"Hindi nangimi ang simbahang Latino na hiramin sa Koran ang imaculada concencion ng kanyang birheng ina. Panapahiwatig ito sa Koran, ngunit mas ipinapaliwanag sa tradisyon ng mga Sonita. Noong ika-labindalawang siglo, kinundena ni San Bernardo ang aral ng la imaculada concepcion bilang isang pangahas na imbensiyon."


Noong ika-labingtatlong siglo, isang mapait na tunggalian ang namagitan sa mga Dominicano (mga ‘maculada’) at mga Fransiscano (mga ‘imaculada’). Hindi lubos na natapos ang alitan hanggang dumating ang ika-labingsiyam na siglo, nang pagtibayin ng mapaghari-hariang si Papa Pio IX ang dogma ng ‘la imaculada concepcion’ bilang unang hakbang niya sa pagtutulak ng ‘infalibilidad’ ng papa.

Natiyak lamang sa wakas ng mundo noong 1854 na si Maria ay ‘ipinaglihi sa normal na paraan ngunit walang kasalanan’! Bago noon, ang kalokohang aral na inimbento nina Jerome at Athanasius noong ika-apat na siglo tungkol sa ‘walang hanggang pagkabirhen’ ay sapat na upang masiguro ang kadalisayan ni Maria.

Palibhasa isa nang diosa, hindi nakapagtataka na ang pagputok ng kung ano-anong pagmimilagro ni Maria ay naging epidemya noong Gitnang Panahon (at nagpapatuloy hanggang na panahon natin). Mababa-baba lang mismo sa Dios ngunit kinikilalang mas matayog kaysa tao, puspos ng ‘kababaang-loob’ bilang isang babae, kinikilala siya bilang tagapamagitang malalapitan ng mga mortal para sa mga bagay na magagaan. Sa madali’t sabi, siya na ang pinakamahalagang babae na nabuhay sa mundo kailanman.

Di na mapipigilan ang hidwang kulto. Samantalang ang karamihan sa mga santo ay may isa lamang araw ng pista, ang Banal na Ina ay mayroong isa bawat ilang linggo, at may sariling kapilya sa bawat simbahan sa Sangkakristiyanuhan. Di lumaon, kahit ang Simbahang Katoliko mismo ay kinailangang idiin ang preno sa humaharurot na kumbulsiyon ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagpapaalala na si Maria man ay ‘umaasa rin ng buong-buo sa kanyang anak’. Ngunit hindi pa rin ito malunok ng Protestansismo ng panahaong ng Repormasyon. Sa kanilang kamay ay tinabas muli si Maria sa papel na isang malamya at masunuring alipin, isang anino sa sulok.

Kakabit na ng kanyang kabirhenan, at hinahangaan dahil sa kanyang walang hanggang kaamuan at kababaang-loob, si Maria ang huwarang babae ng mga panatikong misohinista, isang “alipin ng Panginoon”, ayon na rin sa kanyang sariling salita.

 

 

SANTONG U.F.O.

Sinimulan ni Maria ang pagpanhik–panaog sa langit at lupa

Muli’t muli ay minamarapat ng Reyna ng Langit ang magpakita sa kapatiran upang sumaklolo. Noon pa lang ika-4 na siglo, nagpakita siya kay Papa Liberio dala ang mensahe na “ang mga mag-asawang walang anak ay marapat na iwan ang kanilang mga kayamanan sa Simbahan.” Ang galing naman yata,

Sa Inglatera noong ika-11 siglo, tila yata sinalamangka niya si Senyora Richeldis de Faverches upang walang anon-ano ay mapuntang bigla sa Nazareth, sa dahilang tutulong ito sa pagpapatayo ng kopya ng “bahay ni Jesus” sa Walsingham. Gagatasan ng dakong ito ang mga namamanata doon hanggang sa araw na ipasara ito ni Henry VIII.

Bilang “Ating Senyora ng Guadalupe”, tinulungan niya ang mga Kastila na sakupin ang sangka-amerikanuhan (huwag na pansinin ang pagdanak ng dugo, tingnan na lamang ang magarang balabal.)

Sinundan din ng maraming mahimalang pagpapakita ang karera ni Charles X ng Pransya, na tumutulong na ibalik ang karapatan ng Simbahan na pinag-aalis na ng Rebolusyong Pranses. Sa Paris noong 1830, isang “Milagrosong Medalyon” ang naibenta sa milyong mga mangmang. Upang salansangin ang pagsikat ng kamulatan sa Pransya, ulit-ulit na lumitaw si Maria: sa La Salette noong 1846, sa Lourdes noong 1858, at sa Pontmain noong 1871. Sa paglipat ng bagong siglo, madalas siya sa Portugal, tapos sa Belgium.  

Maniwala o hindi, namumuhunan rin siya ng panahon kamakailan sa Bosnia (bahagi ng misyong pangkapayapaan ng UN), kung saan ay

“Lalong malaki ang nagawa niya upang akitin ang mga hindi naniniwala … kaysa alin pa mang mahimalang pagpapakita bukod sa Guadalupe.” – (Vergahese, p66)


Malaking salapi ang naipapasok ng multo ng “Mahal na Ina” sa Simbahang Romano.
Sa pagkulimbat sa ideya ng ‘banal na feminina’ sa kapakinabangan ng Katolisismo, inikot ng mga galamay ng papa ang imahe ng Birhen Maria upang maging isang kapakipakinabang na kasangkapang pang-polisiya.

Si “Maria ang dati at nagpapatuloy na “Salita” ng pamunuang Katoliko, ang matamang tagapagtulak ng mga polisiya ng Simbahan na madali lang iakma o ibagay sa anomang pagkakataon, hindi sakop ng alinmang batas na pisikal ng sangsinukob o kahit pa ng mga aral mismo ng ebanghelyo.

Kahanga-hangang Babae!

Ang birhen at santo niño pumuporma para sa mga kamera, Setyembre 3, 1989, sa Karacsond, Hungary

Araw-araw may show, Disney World, Florida

 

 

 

Related articles
Home
Acts of the Apostles – Linking Rome back to the Godman
 
St George – The Pork Salesman who became England’s Patron Saint
 
The Papal Princes – Christian Lords of Hell on Earth
 
"Brother James" Radical Jew Sanitized into Pious Christian Martyr
MAJOR SECTIONS
Do you really think it all began with a sanctimonious Jewish wonder-worker, strolling about 1st century Palestine? Prepare to be enlightened.
  Jesus – The Imaginary Friend

Still holding to the idea that some sort of holy man lies behind the legend? Better check out...
Godman – Gestation of a Superhero

A closer look at the glib assertion that the Jesus story "got off the ground quickly and spread rapidly."
What DID the Early Christians Believe?


Many currents fed the Jesus myth, like streams and tributaries joining to form a major river.
Sourcing the legend – The Syncretic Heritage of Christianity


Much of the mythology of Christianity is a rehash of an older and even more transparent fabrication – Judaism.
Jew Story – The Way of the Rabbi


Human ingenuity and cunning is matched by mankind's equally monumental credulity and wishful thinking.
Christianity's Fabrication Factory


Church organisation, authority and membership preceded rather than followed the justifying doctrine. As the organisation and its needs changed so has the ‘Testament of God’ adapted accordingly.
Dogma – The Word in all its Savage Glory

From religious policeman to grandee of the church, from beast fighter in Ephesus to beheading in Rome, Paul's story has more holes than a swiss cheese.
 St Paul the Apostle Dead in the water?


Orchestrated by ambitious Christian clerics, a cancer of superstition, fear and brutality was imposed across Europe.
Heart of Darkness – The Criminal History of the Christian Church


The Christian Heaven may have been a vain folly but the Christian Hell has been real enough.
Hell on Earth – A Brutal Superstition Spreads Across the World


Raised to the status of State religion the Christian Church reigned over the destruction of civilization. As the centuries passed religious barbarism grew ever more vicious.
Winter of the World – The Terrible Cost of "Christendom"

For two millennia Christianity's anti-sexual, puritanical doctrines have inflicted untold damage on the mental, emotional and physical lives of countless millions of people.
Those SEXUALLY hung-up Christians – Loved-up for Jesus


With a Jewish father (stern patriarch) and a Christian mother (obsession with guilt and heaven) it is not surprising that Islam grew up a bit of a tartar.
Islam's Desert Storm – 'Christendom' Reaps a Whirlwind

Heaven help us. The richest, most powerful nation in history has a psychotic infatuation with Jay-a-sus the Lawd!
The Christianizing of the Americas
 
 

 

 

 

Copyright © 2010 by Kenneth Humphreys.
Copying is freely permitted, provided credit is given to the author and no material herein is sold for profit.