Hindi Pag-Iral ni Jesus?

Malapit na ang Wakas

(para sa taong-Dios!)


sulatan ang may-akda ––
Kenneth Humphreys
Site Search: search tips    site map
22.11.08


TAng sulating ito at mahigit limampung iba pa ay makukuha rin bilang isang aklat. Bilhin ang iyong sipi dito.
 

Si Jesus ba ito? Hindi, kundi ang Diosdiosang-Araw na si Sol.

Isang mosaico sa Italica, Seville, Espanya. Ika-2 siglo AD.

Mula sa “House of the Planetarium.”

Hango ang mga pangalan ng mga araw ng sanlinggo sa 7 diosdiosang-planeta na nakalarawan sa mosaico.

 

 

 

 

 

 

 

 

Nagsalita ang Isang Propesor

“Ang kanyang kapanganakan at nararapat ilipat sa 6 o 5 o 4 BC, samantalang  pinipili ng ilan ang 11 o 7…

Hindi sa Bethlehem ang dako ng kanyang pagsilang … ito ay isiningit lamang upang kunwari ay natupad ang hula sa Matandang Tipan …

Malamang ay isinilang nga si Cristo Jesus sa Nazareth … o maaari ring sa iba pang maliit sa sitio.” 

– Michael Grant (Jesus, p71,171)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Malumbay na saksi ang kasaysayan sa naging kapalaran ng mga matatapang na utak na nangahas na hamunin ang mga aral ng Simbahan.

 

 

 

Ang mga Tunay na Martir

1546 Etienne Dolet, Isang pintor at mangangalakal ng mga aklat sa Pransya na masigasig na isinulong ang gawaing pag-aaral, kinulong ilang ulit dahil sa kanyang lantarang pagpuna sa Simbahan.

Kinundena si Dolet sa kasong ateyismo at sinunog ng buhay sa Lyons, kasama ng kanyang mga aklat, samantalang naiwang nagdarahop ang pamilya.

 

 

 

1553 Michael Servetus, Kastilang manggagamot na nakatuklas sa pulmunary blood circulation (isinulong pa niya ang mga tuklas ni Galen), tumakas sa Ingkusisyon at inisip na ligtas siya sa piling ng mga Protestante.

Isang malaking pagkakamali.

Pinatunayan ng puritanikong “Papa ng mga Protestante” na si John Calvin ng Geneva ang kanyang nagdudumilat na kabanalan sa pamamagitan ng pagsunog ng buhay sa tulos kay Servetus sa kasong erehiya. Tinuligsa kasi ni Servetus ang santisima trinidad at ang pagbibinyag sa mga sanggol.

 

 

 

 

1589 Francis Kett, isang guro sa Bene’t (Corpus Cristi), sa Cambridge, na nagpayahag ng kanyang pagdududa sa paniniwala ng mga Cristiano na si JC ang pinakadakilang tagapangaral ng moralidad.

Dahil sa kanyang kapangahasan sinunog ng buhay ang propesor hanggang maging abo.

 

 

 

 

 

1600 Giordano Bruno, pilosopyador sa Italyano, nagturo sa Paris at Wittenberg, nagbuwis ng buhay dahil sa pagsasariling-isip.

Matapos mabulok ng 7 taon sa piitan ng Ingkusisyon kung saan ay pinahirapan muna siya ng maraming ulit, kinundenahan siya at sinunog ng buhay sa tulos.

May kapangahasang sinabi ni Bruno na ang uniberso ay walang hangganan at ang araw at mga planeta nito ay hindi nagsosolo sa kalawakan.

 

 

 

 

 

1619 Lucilio Vanini(kilala rin bilang 'Giulio Cesare' o 'Julius Caesar').

Pilosopyador, guro, at ateo, inilathala ng dating monghe ng Carmelita na ito noong 1616 ang kanyang mga kaisipan sa aklat na “De admirandis naturae reginae deaeque mortalium arcanis” (“Ang mga kamanghamanghang lihim ng reyna at diosa ng mga mortal, ang kalikasan”).

Kasama sa kanyang mga kaisipan ay ang posibilidad na umusbong ang tao mula sa mga unggoy at ang pagtatuwa sa kaluluwang hindi namamatay.

Itinakuwil ni Vanini ang Cristianismo bilang isang katha na inimbento ng sangkaparian at ibinandila na may naturalesang paliwanag ang mga milagro. Dulot nito ay kinailangan siyang magpalipat-lipat ng tirahan upang takasan ang paninikil ng simbahang Katoliko.

Ngunit nahuli siya sa Toulouse, kinundena, pinutulan ng dila, binigti, at sinunog ng buhay.

 

 

 

 

Thomas Paine (1737-1809) – rebolusyonaryong kampeon ng kalayaan. “Namumuhi ako sa Biblia tulad ng pagkamuhi ko sa anomang malupit.”

 

 

 

 

 

 

 

 

Bruno Bauer (1809-1882) –ang unang ikonoklaste.

 

 

 

 

 

 

 

 

Kersey Graves (1813-1883) – Quaker na nahalata ang panloloko tungkol kay Jesus.

 

 

 

 

 

 

 

 

Malapit na ang Wakas

“Hindi lamang isinuka na ang pagka-dios ni Cristo, ngunit ang kanyang pagiral bilang totoong tao ay lalo’t lalong kinukuwestiyon.

Ilan sa mga pinakabatikang dalubhasa sa daigdig ang nagtatatuwa na ngayon na nabuhay man lang siya.

Sagana na ang mga naisulat tungkol sa pagsasaliksik na ito, marubdob sa kanilang kasiguraduhan, taimtim at masinsinan sa kanilang pagsusuri, at lumalaganap sa lahat ng mga bansa, ikinakalat ang kaalaman na si Cristo ay kathang-alamat.

Kailangan na … ni Jesus … na lumugar sa hilera ng napakaraming mga dios-diosan na ang diumano’y mga buhay at gawa nila ang bumubuo sa mga kuwentong-kutsero ng daigdig."

– Marshall J. Gauvin (Totoo Bang Nabuhay si Jesus? 1922)

 

 

 

 

 

 

 

Isang Dalubhasa ng mga Dead Sea Scrolls

Ipinaglaban ng dalubhasa sa Biblia at batikan ng Dead Sea Scroll na si John Allegro noong 1970 ang hindi pagiral ni Cristo Jesus. 

Kaugnay sa mga panukala ni Allegro ang pagsasabing ang taong-dios ay bunga ng mga pangitaing dulot ng narkotiko.

Ang nakalalangong halaman na tinuturan niya ay ang Amanita Muscaria (Fly-Agaric), ang kabuteng hugis ari ng lalaki. Tinatayang ginamit ito ng mga unang Cristiano at ibinabantog na ipinganganak ng birhen (wala kasing buto ang nasabing kabute) at “Dios na naparito sa laman."

Naging tampulan ng maanghang na galit at pangungutya si Allegro. Namatay siya noong 1988.

 

Lulong kay Jesus?

 

 

 

 

 

 

 

Ateong Born-Again

Batikan sa ebanghelyo na “itinapon ang tubig sa tapayan at natuklasang walang sanggol na naliligo doon.”

“Wala kahit isang banggit kay Jesus sa alinmang talaan ng kasaysayan noong panahon niya, ni galing man sa mga Romano, ni galing sa mga Judio, ni sa mga mananampalataya o mga di-mananamtalataya, sa naging buong kahabaan ng buhay niya.

Hindi nito pinasusubalian ang kanyang pag-iral, ngunit tiyak na naglalagay ito ng malubhang pagdududa sa pagkatotoo ng isang tao na diumano ay nagkaroon ng napakalaking epekto sa mundo. Dapat man lang sana ay may nakapansin.”

Dan Barker, Pagkawala ng Pananalig  sa Pananalig: Mula Mangangaral Patungong Ateo (1992, p. 360).

 

 

 

 

 

Historyador pumili na ng panig

“Napagtanto ko na ang paniniwala sa kanyang pagiging kathang-alamat ay maaaring lalong totoo kaysa paniniwala sa kanyang pagiging historikal.

Inaari ko na pagtalikod ito sa aking dating pagaalinlangan kung totoo ba sya o hindi – kung papaano rin na ang aking dating pagaalinlangan kung totoo ba sya o hindi ay pagtalikod naman sa aking dating taglay na paniniwala na historikal siya.”

– Richard Carrier, Punong Patnugot, Internet Infidels, July 18, 2005

 

Hindi Umiral si Jesus – Isa bang hangal na ideya?


Sa isang kultura na isinalig sa Cristianismo, ang pagtatuwa na nagkaroon nga ng Jesus ay animo katawatawa sa una o kaya’y isang kahangalan. Hindi ba, ayon sa katuwiran nila, tinatanggap ng mga “nakararaming dalubhasa” na nagkaroon nga ng isang Jesus ng kasaysayan, kahit na sa totoo ay wala silang pagkakaisa kung sino talaga siya, kung kailan siya nandito, ano-ano ang mga ginawa niya, o ano-ano ang mga sinabi niya.

 

Katotohanan at Kapangarapan

Sa kasalukuyang panahon, ang mga dalubhasa ng Bagong Tipan ay namamangka sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang mundo. Sa isa ay makikita ang Jesus ng mga teyologo (isang “banal na anak ng Dios”) na wari’y nakatindig sa gitna ng isang entablado – kahit na inaaming bunga lamang ng paniniwala ang Jesus na ito. Sa kabila naman ay makikita ang “Jesus ng mga historyador”.

Dala ng masusi at kadalasan ay matiyagang pagsusuri sa kasaysayan, kultura, at politika ng Palestina noong ikalawang siglo, nabubuo na ang isang katiwatiwalang larawan ng panahong ginalawan ni “Jesus”. Sa harap ng larawang ito ang banaag ng kanyang naglulumabong anyo ay dahan-dahang lumilitaw.

Ngunit ang kapaligirang ginalawan rin mismo ang tila nagbibigay pahintulot na “mabuhay”, “mamatay”, at “mabuhay na muli” ang pantasmang tagapagligtas na ito. Pilit na ipinipinta sa telon ng mga totoong pangyayari ng kasaysayan ang kanyang huwad na anino upang pamukhaing naroon nga siya sa mga panahong iyon.

Ang katuwiran nila – “Kung tiyak natin na nagkaroon nga ng Jerusalem, nagkaroon ng Herodes, mga Pariseo at mga Romano, bakit hindi ang isang Jesus?”

Ito ang pasok ng isang palabas ng Discovery Channel: “Ganito ang uri ng mga panyapak na sinuot ni Jesus. Ganito ang uri ng mga puno na pinagliliman niya upang magpahinga.”

 

Kabaugan ng Mga Sana'y May Alam

Hindi komo bihasa sa kasaysayan ang isang dalubhasa ay agad na interesado na ito sa anomang usapin tungkol kay Jesus. Talastas nilang likas na masalimuot ang bagay na ito. Bukod dito, sinomang dalubhasa na magdedeklarang hindi totoong nagkaroon ng Jesus ng kasaysayan ay malamang na maharap sa batikos at panlalait. Alam nilang wala silang mapapala sa kanilang pagiging tapat.

Kaya nga, sapat na para sa maraming mga dalubhasa, na pawang tumanda at naaralan sa isang kulturang Cristiano, na ipalagay antimano na nabuhay nga talaga si Jesus. (Ituturo na lang nila ang mga batikan sa Biblia, pawang mga tao rin ng simbahan, na patunayan iyan.) O kaya, sa halip na amining mahina ang ebidensya na umiral talaga ang maraming mga tauhan ng biblia noong unang panahon, ay pagtatakpan na lang nila ang kanilang nalalaman sa likod ng salitang “siguro”. Mas ligtas nga naman sila kung sabihin na “posible ngang may taong ganyan sa likod ng alamat”, samantalang sa kanila rin galing ang deklarasyon na tumigas na sa kapal ang mga alaalamat na tungkol sa nasabing tao para malaman pa ang anomang totoo tungkol sa kanya.

Ang duwag at “siguristang” asal na ito ang nagpapanatili sa pagka “mailap” ng anluwagi na minsan diumano’y namayagpag sa malayong sulok ng isang antigong lalawigan. (Sinasamantala nila na  komo “walang ebidensiya tungkol kay Jesus entonses walang ebidensiya na hindi siya umiral” sa halip na “walang ebidensiya tungkol kay Jesus entonses ito’y ebidensiya na hindi siya umiral”, na siya sanang dapat.) Dahil sa asal na ito ay naipagpapatuloy ring iwasan ng mga akademiko na talakayin ang mga diumano’y “isyu ng pananampalataya”. Pawang nananahimik ang kung sino pa sana ang bubusal sa bibig ng mga naglalayong patanyagin ang isang di-kilalang guro sa estado ng isang idolos.

 

Isang Maling Tagpo

Mangyayari ba, maaari ba, na lumitaw ang isang pangsanlibutang pananampalataya mula lamang sa isang kathang-isip na kahit sa sarili niyang kapanahunan ay hindi man lang napansin ninoman? Kapanipaniwala ba na ang isang lumilibot na mangangaral, na wala man lang isinulat na kahit ano, nakipagsapalaran sa mundong puno ng mga albularyo, mga manghuhula, at mga eksorsita, ay nagsabog ng ganun na lamang kabagsik na engkanto sa mundo na umalingawngaw ito sa lahat ng panahon?

Mas mabuti pa ang wala na lamang Jesus kaysa magkaroon ng isang Jesus na “pinababang-uri”. Dahil kung gayon ay kailangan pa rin na ipaliwanag kung saan nagmula ang lilitaw na relihiyon. At kung sa isang Jesus na historikal nga ngunit mas “mababang-uri” naman rin pala mahahanap ang pinag-ugatan ng bagong pananampalataya sa halip na sa matayog na Jesus ng mga Cristiano, ano pang kuwenta ng payak na taong yaon kung sa panahong ito ay malabo na rin pala siyang makilala?

“Nakakapagdudang malabis kung naitatag nga ang pananampalatayang Cristiano sa ibabaw ng isang historikal na Jesus bilang saligan … na kung tutuusin ay hihigit lamang siya ng kaunti sa pagiging isang guro ng mga katuruang praktikal.”

  – J. Macquarrie (An Existential Theology, p23)

Kung nagkakasundo tayo na ang isang radikal at mapasyaling rabi na si Jesus, na hindi man lang pinansin sa alinmang ulat-kasaysayan, ay hindi mahirap paniwalaan para sayo, dapat sangayunan mo na hindi rin mahirap paniwalaan ang ibang mga sari-saring Jesus pa na naglalabasan.

Sino sa mga Jesus na ito ang dapat nating piliin bilang totoong “bugtong na anak ng Dios” na saligan ng pananampalatayang Cristiano? Na pupuwede ang kahit sino sa kanila ay katunayan na wala ni isa sa kanila ang tunay.

Maaaring dios si JC na piniling pahangain ang karamihan ngunit walang iniwang anomang bakas, na nagawang hikayatin, hindi man ang madlang sangkahudyuhan kundi ang isang maliit lang na tropa ng mga tagasunod na agad rin nagwatak-watak sa sangkatutak na mga magkakaaway na mga hanay; o si JC ay katha ng isip ng mga tao, isang imbensiyon na pinatutunayan tuwi-tuwina ng talambuhay niyang hitik sa mga salungatan at omisyon.

 

Kaligtasan sa Pamamagitan ng Rason

Ang kakatuwa, kagagawan ng ilang mga mulat na teyologo sa halip na mga ateo ang dahilan upang unang mawasak ang maluwalhating imahen ng inimbentong si Jesus, Anak ng Dios, Tagapagligtas ng Sanlibutan.

Ang “minanang karunungan” ng Simbahan ay unang hinamon noong panahon ng Reformation sa Europa. Ang Reformation ang naging dahilan upang maging katanggap-tanggap na gawain ang pagtuligsa sa kapapahan. Dahil nabuksan na ang pintuan, hindi lamang ang mga banal na kasulatan mismo kundi lahat ng mga nasa kapangyarihan sa relihiyon ay nasa ilalim na ng pagdududa. Bunga ng pagtutol sa mga nasa poder, bumangon ang maraming pangkat ng mga nagpoprotesta, ang mga Protestante.

Nagkumahog ngayon ang mga tao ng simbahan, mga diumano’y dalubhasa na kung hindi galing sa mga Romano Katoliko ay galing sa isa sa mga kalilitaw na “makabagong” pangkat, na gamitin ang mga bagong tuklas na paraan ng lohika upang ipagtanggol ang mga paniniwalang Cristiano. Ngunit dahil sa isang libong taon ng kamangmangan na pinapaghari ng Simbahan, kakaunting-kakaunti ang kaalaman ng mga akademikong ito na maaari nilang mapakinabangan.

Subalit pagkalipas ng dalawandaang taon, habang sumusulong ang panahon ng Enlightenment, binigyang pansin ng ilang mga matatapang na teyologo ang mga nagdudumilat na kamalian at mga kontrahan sa mga kinikilalang mga kasulatan. Tanong nila, bakit tahimik ang Bagong Tipan tungkol sa lalong malaking bahagi ng buhay ni Jesus? Bakit wala halos sinasabi si Pablo tungkol sa buhay ni Jesus?

Noong panahon ng mga Himagsikan sa Pransya at America, lalo pang pumalaot ang mga taong may malayang isip naman, na hinahamon ngayon ang katotohanan ng buong Biblia. Kinundena nila ang Cristianismo bilang isang palsong pamahiin at kasangkapan sa paninikil. Isang pananampalatayang munti ang ipinanganak, ang “deismo”, kung saan ay pinaniniwalaang hindi nakikialam ang isang dios na manlilikha sa pamamalakad ng buhay ng tao.

 

Lalong Mataas na Pagpuna

Sa mga sumunod pang daantaon, isang mapanghamong minorya ang patuloy na idinidiin ang kaisipan na ang Panginoon at Tapapagligtas ng Cristianismo ay isang santong imbento. Kabilang dito ang mga dalubhasa ng Tübingen School noong ika-19 siglo sa Alemanya at ang mga kritikong Dutch Radical noong huling bahagi ng ika-19 at maagang bahagi ng ika-20 siglo. Para sa kanila, ang buong “talambuhay” diumano ni Jesus, kasama ang kanyang paglilitis at pagkapako sa krus, ay isa lamang banal na pagtatagpi-tagi ng iba’t ibang mga bersikulo ng mga kasulatan ng mga Judio.

Sa kanila na piniling suriin ang Cristianismo na walang piring ang mata, halatang-halata na ang kalakhan sa mga kuwento tungkol kay Jesus ay mayroong pagkakatulad sa mga alamat ng iba’t ibang mga kultura. Magkatulad ang pangunahin at segundaryong mga tauhan, magkatulad ang takbo ng kuwento, at magkatulad ang mga mapupulot na aral. Maliwanag na ang Cristianismo ay hindi nagmula sa langit kundi ginawa lang ng mga tao dito sa lupa.

Noong ika-20 siglo, napaurong ang mga tagapagsanggalang ng pananampalataya gawa ng magkakasamang paggamit ng rason, arkeyolohiya, at mga makabagong paraan nga pagtuklas sa siyensiya, kahit totoo na mayroong pa ring paminsan-minsang pagbugso ng interes sa relihiyon. Upang pagtakpan ang lumalaking bilang ng mga ebidensiya na mali-mali ang Bibilia, sari-saring mga diumano’y “talambuhay” ni Jesus ang biglang naglitawan na parang mga kabute sa matabang dayami.

Nakahanap ng bagong diskarte ang mga “makalumang dalubhasa” ng Bagong Tipan, marami sa kanila mga saradong Christiano. Sinasabi naman nila ngayon na may isang mailap na “Jesus ng kasaysayan” na talagang umiral, nga lamang ay di-sinasadyang naikubli na ito sa likod ng inaaming makapal at patung-patong na balot ng tradisyon.

Sa takot na amining nakasalig sa isang dambuhalang pagkakamali hindi lamang ang kanilang mga panananampalataya kundi ang kanilang hanapbuhay, nagpasimulang mapagpala-palagay ang mga esksperto tungkol sa kung ano-anong sari-saring kabalbalan: si Jesus daw ay isang radikal na guro, si Jesus ay isang dukhang Mediteraneo, si Jesus ay magkaroon ng asawa at anak, si Jesus ay naglakbay sa Inglatera, sa India, o sa Japan, isa siyang pilosopyador na Istoico o Cynico. Diyata’t may Jesus na kaya silang palitawin para sa anomang panahon at panlasa. Naglalaban-laban ngayon ang daandaang mga “talambuhay” diumano ng taong-dios, bawat isa nagsusumikap na iwasan ang dilat na katotohanan na walang matibay na reyalidad na mapagsasaligan ang alinman sa mga santong kathang-isip na mga ito.

 

Mga Huling Araw

Sa panahaon natin na ika-21 siglo, nakaharap sa atin ang isang palaisipan: bakit kung kailan napakalayo na ng narating ng gawaing paglalantad sa mga panlilinlang ng Biblia, noon pa lalong tinutulak ng pangdaigdigan politika at pananalapi na isigaw lalo ang paniniwala sa kawalang-kamalian (ineransiya) at pagkaliteral (pudamentalismo) ng Biblia. Nakalulunod ang ginagawang nilang pagpapadausdos ng maling impormasyon.

Walang oras at walang hilig ang marami na suriing malaliman ang kalipunan ng mga katunayan at katuriwan na nakalap na. Laging handa ang mga tagapagtanggol ng Cristianismo na tawaging mga nahihibang ang sinomang magsabi na kathang-alamat lang si Jesus, mga hindi dapat pagtuunan ng pansin. 

Ngunit nagkukubli sa kanilang marahas na galit ang takot na nasa bingit na ng kawakasan ang kanilang engrandeng bayani. Hindi na nila maipagkakaila o mapipigilan ang katotohanan na ang paglalantad kay “Cristo Jesus” bilang kathang-isip lamang, malayo sa pagiging isang atupagin ng mga nababaliw lamang, ay niyayakap na at pinaabubunyi ng isang dumadaluhong na agos ng mga magagaling na dalubhasa sa lahat ng bansa.

 

 

Ang Pagwasak kay Jesus na Kathang-Alamat – Isang Kasaysayan

Sa loob ng mahigit dalawandaang tao, isang maliit na hanay ng mga makikisig sa dalubhasa ang nagmatapang na kuwestiyunin ang kasaysayan ni Jesus. Sa kabila ng panganib sa kanilang mga buhay, pangalan, at propesyon at ang pag-akit sa masidhing galit ng lipunan, matama nilang pinagdudahan ang pagiging totoo ng mga ulat ng ebanghelyo, binakbak ang mga kalokohan at pandaraya, at sa badang huli ay hinamon ang pagkakaroon mismo ng isang taong-dios.


Hermann Samuel Reimarus (1694-1768).1778,Noong 1778, lumabas ang kanyang aklat na On the Intention of Jesus and His Teaching (Ang Pakay ni Jesus at ng Kanyang Mga Aral).
Isang utak ng Enlightenment at propesor ng mga Wikang Pang-Silangan sa Hamburg Gymnasium, itinakuwil niya sa kanyang mga sulat – pawang inilathala pagkatapos mamatay – ang ideya ng isang “relihiyong ibinaba mula sa langit”. Ibinandila ang deismong hango sa kalikasan. Inakusahan niya ang mga may-akda ng ebanghelyo ng tahasang pandayara at ng katakut-takot na mga salungatan.

Francois Marie Arouet (Voltaire) (1694-1778) Ang tinitingala sa lahat noong panahon ng Enlightenment, nag-aral man sa isang pamantasang Jesuita, ay nagpasya na, “Ang Cristianismo ang sukdulan sa pagiging katawatawa, sa pagiging kalokohan, at sa pagiging isang madugong relihiyon na kailanman ay sumalanta sa daigdig … Ang tunay na Dios ay hindi maipapanganak ng isang babae, o mamamatay sa kapirasong kahoy, o makakain sa kaputol na tinapay.”  Napiit man at pinalayas siya, at pinagbawal at sinunog man ang kanyang mga aklat, ang katanyagan ni Voltaire sa Pransya noong panahon ng kanilang himagsikan doon ang nagsiguro ng kanyang dako sa gusali na tinatawag na Pantheon ng Paris. Ninakaw ng mga gumon sa relihiyon ang kanyang mga labi at itinapon sa isang bundok ng basura.

Count Constantine Volney, 1787, Les Ruines; ou, Méditation sur les révolutions des empires (Ruins of Empires).Napoleonic investigator saw for himself evidence of Egyptian precursors of Christianity.

Edward Evanson, Sinulat noong 1792 ang The Dissonance of the Four Generally Received Evangelists and the Evidence of their Respective Authenticity (Ang Salungatan ng Apat na Kinilikilalang Ebanghelista at ang Katunayan ng Kanilang Karapatan). Ingles na alagad ng rason, hinamon niya ang paniniwala na galing sa apostol ang ika-4 na ebanghelyo at tinuligsa bilang huwad ang maraming diumano’y mga sulat ni Pablo.

Charles François Dupuis, Nilathala noong 1794 ang kanyang Origine de tous les Cultes ou La Religion universelle (Ang Pinagmulan ng mga Kulto at Relihiyong Pangdaigdigan). Pinakahulugan ang Cristianismo (at lahat ng relihiyon) bilang kathang-alamat at hango sa pagsamba sa mga bituin. “Mas madaling ikalat ang isang dakilang mali kaysa sa isang dakilang tama, dahil mas madali ang maniwala kaysa sa mag-isip, at sapagkat mas hilig ng mga tao ang mga kuwento-kuwentong nakakamangha kasya sa matabang ng kasaysayan.”  Sinira ni Depuis ang kanyang sariling mga likha dahil sa marahas na tugon na sinindihan nito.

Thomas Paine, Lumabas noong 1795 ang kaniyang The Age of Reason (Ang Pahahon ng Rason). Pulyetista na unang nagpatawag ng kalayaan ng Amerika. (Common Sense (Karaniwang Sentido), 1776; Rights of Man (Mga Karapatan ng Tao), 1791) Pinagtawanan ni Paine ang mga salungatan at mga karahasan sa Biblia. Tulad ng maraming mga rebolusyonaryong Amerikano, si Paine ay isang tagasunod ng deismo:

"Hindi ako naniniwala sa mga aral na pinanghahawakan ng simbahang Judio, ng simbahang Romano, ng simbahang Griyego, ng simbanhang Turko, ng simbahang Protestante, o ng alinmang simbahan na kilala ko … Pinaparatangan ng mga simbahang ito ang isa’t isa ng kawalan ng pananampalataya, samantalang ako, wala akong pananampalataya sa kanilang lahat." Ang Panahon ng Rason.

Robert Taylor, 1828, Syntagma Of The Evidences Of The Christian Religion (Kabuuan ng mga Katunayan ng Rehiliyong Cristiano); 1829, Diegesis.
Ikinulong si Taylor sa pagsasabing galing lamang sa mga kathang-alamat ang Cristianismo. “Hangad lamang ng mga unang Cristiano na unawain natin ang mga ebanghelyo bilang pagbibigay-personahe sa prinsipyo ng rason, ng kabutihan, at ng bagay na higit na mapapakinabangan ng tao sa kanyang paglalabay sa buhay, ano man ang tawag doon.”

Godfrey Higgins (1771-1834)
. 1836, AnacalypsisAn Attempt to Draw Aside the Veil of the Saitic Isis; or an Inquiry into the Origin of Languages, Nations and Religions (Anacalypsis – Isang Pagtatangka na Hawiin ang Belo ni Isis Siatico; o Isang Pagsusuri sa Pinagmulan ng mga Wika, Mga Bansa, at Mga Rehiliyon).
Tagapagpasimula ng siyensiya ng arkeyolohiya sa Inglatera at isang freemason.

Bruno Bauer, 1841, Criticism of the Gospel History of the Synoptics
(Pagpuna sa Kasaysayan ng Mga Ebanghelyo Synoptico) 1877, Christus und die Caesaren. Der Hervorgang des Christentums aus dem romischen Griechentum   Ang orihinal na ikonoklaste. Kinontesta ni Bauer na kay Pablo nga galing ang sinasabing mga sulat ni Pablo (nakita niyang nabahiran ito ng mga utak Istoico tulad ni Seneca) at kinilala ang naging papel ni Philo sa papalaking Cristianismo. Itinakuwil niya na umiral ni Jesus sa totoong kasaysayan. “Lahat ng bagay na kilala tungkol kay Jesus ay galing sa mundo ng guniguni.” Bunga nito ay hinamak si Bauer at inalis sa kanyang pagka propesor ng Bagong Tipan sa Tübingen noong 1842.

Ralph Waldo Emerson, 1841, Essays. Minsang Cristiano na naniniwala sa trinidad at dating ministrong Unitarian, nanindigan na si Jesus ay “totoong propeta” ngunit ang organisasyong Cristiano ay isang “kahariang pangsilangan.”

“Ang ating mga Sunday-school, at mga simbahan, at mga lipunang-pangmahirap ay pawang mga pabigat sa leeg.”

Mitchell Logan, 1842, Christian Mythology Unveiled
(Ibinunyag Kathang-Alamat Cristiano). Sinabi niya, “Ang mga naghaharing pananaw, kahit gaano pa nakapundar sa mali at gaano kalaking kalokohan pa sila, ay reyna ng mga bansa kailanman.”

Ferdinand Christian Baur, 1845, Paulus, der Apostel Jesu Christi.Dalubhasang Aleman na kinilalang “huwad” hindi lamang ang mga sulat pastoral kundi pati ang Colosas, Efeso, Filemon, at Filipos (ang natitirang apat na pangunahin sulat ni Pablo lamang diumano ang tunay). Si Baur ang kinikilalang tagapagtayo ng sinasabing "Tübingen School."

David Friedrich Strauss, 1860, The Life of Jesus Critically Examined
(Mapagpunang Pagsusuri sa Buhay ni Jesus). Isang Luterano, pari na naging dalubhasa, matalino niyang nilantad bilang kathang-alamat ang mga himala sa ebanghelyo samantalang ibinaba si Jesus bilang isang tao lamang. Nawalan siya ng trabaho.

Ernest Renan, 1863, Das Leben Jesu.Sinanay bilang paring Katoliko, nagsulat si Renan ng isang makathaing talambuhay ng taong-dios sa impluwensiya ng mga kritikong Aleman. Nawalan din siya ng trabaho.

Robert Ingersoll, 1872, The Gods (Ang Mga Dios). Primera-klaseng mananalumpati sa Illinios, pinag-gutaygutay ng kanyang mga talumpati ang relihiyong Cristiano. “Para sa akin, nanggaling na rin lamang sa ibang daigdig,  taglay na rin lamang ang isang mensahe na may di-kawasang halaga para sa sangkatauhan, itinatak na rin sana ni Cristo ng kanyang sariling lagda sa mensaheng iyon bilang katunayan. Hindi ba nakakapagtaka na wala man lamang siyang sinulat na kahit isang salita?” 

Kersey Graves, 1875, The World's Sixteen Crucified Saviours
(Ang Labing-Anim na Tagapagligtas na Ipinako sa Krus). Isang Quaker ng Pennsylvania na nakahalata sa paganong kaibuturan ng mga kathang Cristiano, nga lamang ay madalang niyang tukuyin ang mga batayan niya sa kanyang naging malalalim na kungklusyon

Allard Pierson, 1879, De Bergrede en andere synoptische Fragmenten. Isang teyologo, historyador ng sining at panitikan na kinilala ang Sermon sa Bundok bilang isang pinagsama-samang mga salawikain hango sa mga kasulatan pangkarunungan (wisdom literature) ng mga Judio. Ang paglathala sa aklat na Bergrede ni Pierson ang naging simula ng Dutch Radical Cristicism. Kanyang pinag-alinlanganan hindi lamang ang pagiging kay Pablo ng kanyang mga diumano’y sulat, kundi pati ang totoong pag-iral ni Jesus sa kaysaysayan.

Bronson C. Keeler, 1881,na aklat na A Short History of the Bible (Isang Maikling Kasaysayan ng Biblia) ay isang klasikong pagbubunyag sa mga pandarayang Cristiano.

Abraham Dirk Loman, 1882, "Quaestiones Paulinae," in Theologisch Tijdschrift.Propesor ng teyolohiya sa Amsterdam na nagsabi na ang lahat ng mga ebanghelyo ay naisulat noon lamang ika-2 siglo. Nilinaw ni Loman na ang Cristianismo ay pinagsamang mga pag-iisip ng mga Judio at mga Romano-Griyego. Nang siya ay mabulag, sinabi niya na ang kanyang kawalan ng paningin ang nagbukas sa kanyang mga mata sa madilim na kasaysayan ng simbahan!

Thomas William Doane, 1882, Bible Myths and their Parallels in Other Religions
Religions (Ang mga Kathang-Alamat sa Biblia at ang mga Pagkakatulad Nila sa Ibang Relihiyon). Matanda ngunit klasikong pagbubunyag ng mga paganong ugat ng mga alamat at kababalaghan sa biblia.

Samuel Adrianus Naber, 1886, Verisimilia. Laceram conditionem Novi Testamenti exemplis illustrarunt et ab origine repetierunt. Isang dalubhasa sa mga matatandang panitikan na nahalatang nagkukubli sa mga kasulatang Cristiano ang mga kathang-alamat ng mga Griyego.

Gerald Massey, 1886, Historical Jesus and Mythical Christ. 1907, Ancient Egypt-The Light of the World (Matandang Ejipto – Ang Ilaw ng Daigdig). Tinuturing na klasiko ang mga aklat ng isa sa mga maaagang katunggali na ito ng sangkaparian. Isang arkeyologong Briton, anim na tomo ang isinulat niya tungkol sa matandang relihiyon ng Ejipto.

Edwin Johnson, 1887, Antiqua mater. A Study of Christian Origins (Antiqua Mater: Pag-Aaral sa Mga Pinagmulang Cristiano). Radikal na teyologong Ingles na kinilala ang mga unang Cristiano bilang mga Chrestiani, tagasunod ng isang mabait na Dios (si Chrestus). Aniya, kinamkam ng mga Chrestiani ang mga kathang-alamat tungkol kay Dionysos Eleutherios ("Dionysos na Tagapagpalaya") upang lalangin ang isang taong-Dios na inalay ang sarili. Binatikos niya bilang mga imbento ang labingdalawang apostol.

Rudolf Steck, 1888, Der Galaterbrief nach seiner Echtheit untersucht nebst kritischen Bemerkungen zu den Paulinischen Hauptbriefen.
Isang radikal na dalubhasa na Swis, binansagan niya bilang mga huwad lahat ng mga sulat ni Pablo.

Franz Hartman, 1889, The Life of Johoshua: The Prophet of Nazareth
(Ang Buhay ni Johoshua: Ang Propeta ng Nazareth).

Willem Christiaan van Manen, 1896, Paulus. Propesor sa Leiden at pinakatanyag sa mga Dutch Radicals, isang tao ng simbahan na hindi naniwala sa pagkabuhay na muli ng katawan ni Cristo Jesus. Matagal muna niyang tinutulan bago tanggapin sa bandang huli na wala sa mga sulat ni Pablo ang tunay, at nakaasa sa mga akda ni Josephus ang Mga Gawa ng Mga Apostol.

Joseph McCabe, 1897, Why I Left the Church (Bakit Iniwan ko ang Simbahan). 1907, The Bible in Europe: an Inquiry into the Contribution of the Christian Religion to Civilization (Ang Biblia sa Europa: Isang Pagsisiyasat sa Dinulot ng Relihiyong Cristiano sa Kabihasnan). 1914, The Sources of the Morality of the Gospels (Ang Mga Pinagkuhanan ng Moralidad ng mga Ebanghelyo). Isang mongheng Fransiscano na naging ateo ebanghelikal, tinastas si McCabe ang maraming bahagi ng alamat ni Cristo. “Walang iisang ‘Jesus’ sa mga ebanghelyo. Ang mayroon ay dosedosena.” Gayun pa man ay patuloy niyang pinahintulutan ang posibilidad na may totoo ngang naging tagapagpasimula.

Albert Schweitzer.1901, The Mystery of the Kingdom of God (Ang Hiwaga ng Kaharian ng Dios. 1906, The Quest of the Historical Jesus (Ang Paghahanap sa Historikal na Jesus). Hinamak ng tanyag na teyologong Aleman at misyonero (35 taon sa Cameroons) ang sinasabing maka-taong-bayan na Jesus ng mga liberal habang matapang niyang pinuri ang mga gawain ng mga Dutch Radicals. Ayon sa kanyang kongklusyon, ang engrandeng bayani na si Jesus ay isang panatikong gumon sa ideya ng pagwawakas ng mundo, at namantay siya na isang malaking bigo. Sumikat ang sinabi niya na ang tanging natatagpuan ng mga naghahanap kay Jesus ay imahen lamang ng kanila ring sarili.

Wilhelm Wrede, 1901,
The Messianic Secret (Ang Lihim Tungkol sa Mesiyas). Ipinakita ni Wrede kung paanong nakapaloob sa ebanghelyo ni Marcos ang isang bulaang kasaysayan na inanyuan lamang ng mga sinaunang paniniwala ng mga Cristiano.

George Robert Stowe Mead, 1903, Did Jesus Live 100 BC? (Nabuhay Ba si Jesus Noong 100 BC?) Pagtalakay sa mga kuwentong Judio tungkol kay Jeschu. Inurong ang petsa ng pag-iral ni Jesus sa lalong sinaunang panahon.

Thomas Whittaker, 1904, The Origins of Christianity (Ang Pinagmulan ng Cristianismo). Sinabi niya na isang kathang-alamat si Jesus.. Declared Jesus a myth.

William Benjamin Smith, 1906, Der vorchristliche Jesus. 1911, Die urchristliche Lehre des reingöttlichen Jesus. Minungkahi na nagsimula ang lahat sa isang kulto sa isla ng Cyprus bago pa ang panahong Cristiano.

Albert Kalthoff, 1907, The Rise of Christianity
(Ang Pag-angat ng Cristianismo). Isa pang radikal na dalubhasang Aleman na kinilala ang Cristianismo bilang psychosis, isang sakit sa utak. Sa kaibuturan, si Cristo ay isang lamang matayog na simulain na nasa kaisipan ng lupong Cristiano na ang pakay ay baguhin ang lipunan.

Gerardus Bolland, 1907, De Evangelische Jozua. P. Isang pilosopiyador ng Leiden na tinukoy ang ugat ng Cristianismo sa mga sinaunang Judiong Gnostico. Ang engrandeng bayani ng Bagong Tipan ay siya ring “anak ni Nun” sa Matandang Tipan, ang alagad ni Moises na pinangalanan niyang Josue. Ang birhen ay simbolo lamang ng bayan ng Israel. Mula Alexandria, dinala ng mga “Netzerim” ang kanilang ebanghelyo patungo sa Palestina. 

Noong 1907, kinundena ni Papa Pio X ang mga Modernista na kunwari ay “gumagawa sa ilalim ng bubong ng Simbahan”. Isang panunumpang kontra-Modernista ang ipinasok niya noong 1910.

Prosper Alfaric (1886-1955). Propesor ng Teyolohiya sa Pransya, itinakwil ang kanyang pananampalataya nang mayanig ng pangungusap ni Pio X, iniiwan ang simbahan noong 1909 upang isulong ang adhikain ng rasyonalismo.

Mangasar Magurditch Mangasarian, 1909, The Truth About Jesus ? Is He a Myth? (Ang Katotohanan Tungkol Kay Jesus? Isa Ba Siyang Katha?)  Dating ministrong Presbitero na nakahalata sa kabulaanan.

Karl Kautsky, 1909, The Foundations of Christianity (Ang Mga Saligan ng Cristianismo). Sinaunang sosyalista na inunawa ng Cristianismo bilang pagtutunggali ng mayaman laban sa mahirap.

John E. Remsburg, 1909, The Christ: A critical review and analysis of the evidences of His existence (Si Cristo: Isang mapagsuring balik-tanaw at pag-aaral sa mga katunayan ng kanyang pag-iral). Aniya puno ng salungatan ang mga ebanghelyo. Duda na umiral nga si Jesus at purong aral Cristiano lamang ang isang Cristong sobrenatural.

Arthur Drews, 1910, Die Christusmythe (Ang Cristong Kathang-Isip). 1910, Die Petruslegende (Ang Alamat ni San Pedro). 1924, Die Entstehung des Christentums aus dem Gnostizismus (Ang Paglitaw ng Cristianismo Mula sa Gnostisismo). Ang kapitapitagang pilosopyador na ito ang pangunahing tagapagsulong ng kaisipan sa Alemanya na si Cristo ay isang kathang-alamat. Aniya, pinatutunog lamang ng mga ebanghelyo na wari baga’y isang totoong kasaysayan ang katauhan ng isang Jesus na dati nang inimbento, kinuha mula sa mga propeta at mga panitikang pangkarunungan (wisdom literature) ng mga Judio. Ang kanyang dalamhati sa krus ay mababasa sa mga kuro-kuro ni Plato.

John Robertson, 1910, Christianity and Mythology (Cristianismo at Mitolohiya). 1911, Pagan Christs. Studies in Comparative Hierology (Mga Paganong Cristo: Mga Pag-Aaral sa Hiyerolohiya Komparatiba). 1917, The Jesus Problem (Ang Suliranin na Jesus). Ipinapapansin ni Robertson ang pagka laganap sa matandang mundo hindi lamang ng maraming bahagi sa kuwento ni Jesus kundi pati ang mga pagpapako sa krus na ginagawa noong panahong wala pa ang Cristianismo. Kinilala niya ang orihinal na Jesus/Josue bilang isang diosdiosan ng mga Efraimita sa anyo ng isang cordero.

Gustaaf Adolf van den Bergh van Eysinga, 1912, Radical Views about the New Testament (Mga Radikal na Pananaw sa Bagong Tipan). 1918, Voorchristelijk Christendom. De vorbereiding van het Evangelie in de Hellenistische wereld. Teyologo at ang huli sa mga Dutch Radicals na humawak ng propesorya sa isang pamantasan.

Alexander Hislop, 1916, The Two Babylons (Ang Dalawang Babilonia). Malawakang pagbubunyag ng mga paganong ugat ng mga rituwal at kagamitan sa pagsamba ng mga Romano Katoliko.

Edward Carpenter, 1920, Pagan and Christian Creeds (Mga Aral Pagano at Cristiano). Lalo pang pinalawig ang mga paganong pinagmulan ng Cristianismo.

Rudolf Bultmann, 1921, The History of the Synoptic Tradition. 1941, Neues Testament und Mythologie. Teyologong Luterano at propesor sa Pamantasan ng Marburg, si Bultman ang tagapagsulong ng ‘form cricism’. Malaki ang nagawa niya upang maalis ang mga elemento ng katha-katha sa mga ebanghelyo. Kinilala niya ang mga ulat tungkol kay Jesus bilang paniniwalang pangrelihiyon na binalutan lamang ng lengguwahe ng alamat. Pinansin niya na ang Bagong Tipan ay hindi isang kuwento tungkol kay Jesus kundi isang talaan ng mga paniniwala ng mga unang Cristiano. Sinabi niya na walang kapupuntahan ang anomang paghahanap sa Jesus ng kasaysayan. “Walang anoman tayong maaaring matuklasan tungkol sa buhay at pagkatao ni Jesus.” (Si Jesus at Ang Salita, 8)

James Frazer, 1922, The Golden Bough. Pagbibigay-kahulugan ng isang antropologo sa naging pag-usad ng tao mula sa salamangka, papuntang relihiyon, papuntang siyensiya. Isa aniyang pangyayaring kultural lamang ang Cristianismo.

P. L. Couchoud, 1924, Le mystère de Jesus (Ang Hiwaga ni Cristo).1939, The Creation of Christ (Ang Paglalang kay Cristo). Tinanggap ni Couchoud ang isang totoong (Apostol) Pedro ng kaysayan sa halip na isang historikal na Jesus at sinabing ang dalamhati sa krus ni Jesus ay isinunod sa kamatayan ni Esteban.

Georg Brandes, 1926, Jesus – A Myth (Si Jesus – Isang Alamat). Kinilala ang ebanghelyo ni Juan bilang pinakamatandang bahagi ng Bagong Tipan.

Joseph Wheless, 1926, Is It God's Word? An Exposition of the Fables and Mythology of the Bible and the Fallacies of Theology (Salita Ba ng Dios? Pagbubunyag sa mga Pabula at Kathang-Isip ng Biblia at Ang Mga Kamalian sa Teyolohiya). 1930, Forgery in Christianity (Pamemeke sa Cristianismo). Amerikanong abogado, lumaki sa distritong lulong sa Biblia, pinagwawasak ang mga panaginip ng Bibila.

Henri Delafosse, 1927, Les Lettres d’Ignace d’Antioche. 1928, "Les e'crits de Saint Paul," in Christianisme. Itinatuwa bilang mga peke ang mga diumano’y Sulat ni Ignacio.

L. Gordon Rylands, Noong 1927, sinulat ang The Evolution of Christianity (Ang Pag-Usad ng Cristianismo).1935, Did Jesus Ever Live? (Nabuhay Nga Ba si Jesus?)

Edouard Dujardin, Noong 1938, sinulat ang Ancient History of the God Jesus.(Ang Matandang Kasaysayan ng Dios na Si Jesus)


John J. Jackson, 1938, Christianity Before Christ (Cristianismong Nauna Pa Kay Cristo). Binigyang-pansin niya ang mga pinagkopyahan ng mga paniniwalang Cristiano hango sa mga Ejipcio.

Alvin Boyd Kuhn, 1944, Who is this King of Glory? (Sino ang Hari ng Kaluwalhatian?) 1970, Rebirth for Christianity (Pagsilang na Muli Para sa Cristianismo). Hindi naging tao si Jesus, sa halip ay sagisag lamang siya ng banal na kaluluwa na nasa bawat tao.

Herbert Cutner, 1950, Jesus: God, Man, or Myth? (Si Jesus: Dios, Tao, O Katha?)
Tinalakay ang pagiging kathang-alamat ni Jesus at nagbigay buod sa nagpapatuloy na tuligsaan sa pagitan ng mga nagsasabing kathang-alamat si Jesus at mga nagsasabing historikal siya. Aniya ay hindi na bago ang sabihing kathang-alamat si Jesus sa halip matagal na itong ginagawa. Tinalakay rin ang paganong ugat ni Cristo.

Georges Las Vergnas, Noong 1956, anakda ang Pourquoi j'ai quitté l'Eglise romaine Besançon (Bakit ko Iniwan ang Iglesia Inglatera Anglicana).

Georges Ory, Noong 1961, pinalimbag ang An Analysis of Christian Origins (Isang Pagsisiyasat sa mga Pinagmulang Cristiano).

Guy Fau, noong 1967, sinulat ang Le Fable de Jesus Christ (Ang Pabula Tungkol Kay Cristo Jesus).

John Allegro, 1970, The Sacred Mushroom and the Cross (Ang Banal na Kabute at ang Krus). 1979, The Dead Sea Scrolls and the Christian Myth (Ang Mga Dead Sea Scrolls at ang Kathang Cristiano).
Si Jesus ay sagisag lamang ng isang mahiwagang kabute at ang sinasabing talambuhay niya ay isang masimbolong pagpapakahulugan lamang sa kalagayang dulot ng pagkalango sa nasabing kabute. Hindi bilangguan kundi pagkawala ng trabaho ang napala ni Allegro.

George Albert Wells, 1975, Did Jesus Exist? (Umiral Ba Si Jesus?); 1988, The Historical Evidence for Jesus (Ang Katunayan ng Kasaysayan kay Jesus). 1996, The Jesus Legend (Ang Alamat ni Jesus). 1998, Jesus Myth (Ang Kathang-Alamat ni Jesus). 2004, Can We Trust the New Testament? Thoughts on the Reliability of Early Christian Testimony (Mapagkakatiwalaan Ba ang Bagong Tipan? Mga Isipan Kung Maasahan ang Mga Unang Patotoo ng mga Cristiano).
Ang Cristianismo ay supling ng mga panitikan pangkarunungan (wisdom literature) ng mga Judio . Ang kanyang mga sumunod na akda ay nagbigay pasaring na maaaring may totoong umiral na mangangaral nga.

Max Rieser, 1979, The True Founder of Christianity and the Hellenistic Philosophy (Ang Tunay na Tagapagtatag ng Cristianismo at Pilosopyang Griyego). Pinasimulan ng mga Judio sa Pangangalat ang Cristianismo at pinalitaw lamang na nagpasimula ito noong bago mag 70 AD. Nahuli ang Cristianismo sa Palestina, hindi nauna – dahilan kung bakit may mga katunayang arkeyolohikal ang Cristianismo sa Roma ngunit wala sa Judea bago ang ika-4 na siglo.

Abelard Reuchlin, 1979, The True Authorship of the New Testament (Ang Tunay na Manunulat ng Bagong Tipan). Ang Cristianismo ay nagmula sa isang sabuwatan. Pinakana ng maharlikang si Arius Calpurnus Piso (kilala rin bilang “Flavius Josephus”) na mapasakamay niya ang Imperyo ng Roma at ang pagbuo ng isang bagong relihiyon ang paraan para dito.

Karlheinz Deschner, 1986-2004, The Criminal History of Christianity (Ang Kriminal na Kasaysayan ng Cristianismo), Volumes 1-8. Isang pangunahing kritiko ng relihiyon at ng Simbahan. Noong 1971, sa maniwala’t hindi, pinatawag ng hukuman ang Alemang ito sa kasong “paghamak sa Simbahan.”

Hermann Detering, 1992, Paulusbriefe ohne Paulus?: Die Paulusbriefe in der holländischen Radikalkritik. Ministrong Aleman sa tradisyong Dutch Radical. Walang Jesus at walang Pablo.

Gary Courtney, 1992, 2004 Et tu, Judas? Then Fall Jesus! Sa kaibuturan, ang kuwento dalamhati ni Jesus sa krus ay ang naging kapalaran ni Caesar na binigyan lamang ng Judiong damit, isinanib sa mga kultong paniniwala sa pagkabuhay na muli ni Attis. Pinagsapi ng mga tagahangang Judio ni Caesar ang ideya ng “inalay na sakripisyo para sa daigdig” at sa “nagdadalamhating alipin” na sinasabi ni Isaias.

Michael Kalopoulos, 1995, The Great Lie (Ang Dakilang Kasinungalingan). Historyador Griyego na nahalatang may matinding pagkakahawig sa pagitan ng mga kasulatan ng biblia at mga alamat ng mga Griyego. Inilantad niya ang mga tuso, mapandaya, at mapang-aliping kalikasan ng relihiyon.

Gerd Lüdemann, 1998, The Great Deception: And What Jesus Really Said and Did (Ang Dambuhalang Panlilinlang: At Kung Ano ang Totoong Sinabi at Ginawa ni Jesus)) . 2002, Paul: The Founder of Christianity (Si Pablo: Ang Tagapagtayo ng Cristianismo). 2004, The Resurrection Of Christ: A Historical Inquiry (Ang Pagkabuhay Na Muli Ni Jesus: Isang Pagsusuri sa Kasaysayan). Matapos ang 25 taon ng pag-aaral, sinabi ng Alemang propesor na ito na si Pablo, hindi si Jesus, ang nagpasimula ng Cristianismo. Tinanggal si Lüdemann sa pagiging guro ng teyolohiya sa Pamantasan ng Göttingen dahil sa pangangahas na sabihing ang Pagkabuhay na Muli ay “isang banal na panloloko sa sarili.” Iyan ang kalayaan sa akademya.

Alvar Ellegard, 1999, Jesus One Hundred Years Before Christ (Si Jesus Isandaang Taon Bago Si Cristo).
Nakikita ang Cristianismo na nag-ugat sa Iglesia ng Dios ng mga Essene, si Jesus ang kinatawan ng pinaniniwalaang “Guro ng Katuwiran”.

D. Murdock (aka 'Acharya S') 1999, The Christ Conspiracy: The Greatest Story Ever Sold (Ang Sabuwatang Cristo: Ang Pinaka Dakilang Kuwentong Ikinuwenta Kailanman). 2004, Suns of God: Krishna, Buddha and Christ Unveiled. (Mga Araw ng Dios: Si Krishna, Buddha at Cristo Nilantad) Sa nagpapatuloy na gawaing pagwasak sa Cristong alamat, ideya ni Murdock na idagdag sa adhikaing ito ng kinalaman ng Cristianismo sa matandang pagsamba sa mga bituin. Kinilala ni Murdock si Jesus bilang pinag-isang dios ng mga Romano bunga ng pakay na patatagin ang Imperyo.

Earl Doherty, 1999, The Jesus Puzzle. Did Christianity Begin with a Mythical Christ? (Ang Jesus na Palaisipan. Nagsimula Ba ang Cristianismo sa Isang Cristong Katha?) Matatalim na salita kung papaanong ang Cristianismo ay nagsimula bilang isang mistiko at mapanghulang sekta ng Judaismo – na hindi nangailangan ng Jesus.

Timothy Freke, Peter Gandy, 1999, The Jesus Mysteries (Mge Kababalaghan na Jesus). 2001, Jesus and the Lost Goddess:The Secret Teachings of the Original Christians (Si Jesus at ang Naglahong Diosa: Ang Mga Lihim na Aral ng mga Orihinal na Cristiano). Sinuri ang mahigpit na kaugnayan sa pagitan ng kuwento ni Jesus at ni Osiris-Dionysus. Binase si Jesus at si Maria Magdalena sa mga alamat ng mga sinaunang mga paganong taong-dios at diosa.

Harold Liedner, 2000, The Fabrication of the Christ Myth (Paghibla kay Cristong Katha).
Inatake ang mga kamalian sa petsa at mga kamalian sa lugar-lugar ng ebanghelyo. Ayon sa kanya, ang Cristianismo ang isa sa mga pinakamalalang panloloko sa mundo.

Robert Price, 2000, Deconstructing Jesus (Pagbabaklas kay Jesus). 2003 Incredible Shrinking Son of Man: How Reliable Is the Gospel Tradition? (Ang Kagilagilalas na Lumiliit na Anak ng Dios: Gaano Mapagkakatiwalaan ang mga Nakagisnan sa Ebanghelyo?) Isang dating ministro at sertipikadong dalubhasa, ipinakita na si Jesus ay inimbento mula sa ilang pinagsamasamang mga propeta, mga tagapagligtas ng mga sekta, at mga sinasabing “aion”ng mga Gnostica.

Hal Childs, 2000, The Myth of the Historical Jesus and the Evolution of Consciousness (Ang Kathang-Alamat ng Historikal na Jesus at ang Pag-Usbong ng Kamalayan). Isang psychotherapist naman ngayon ang bumaka sa taong-dios.

Michael Hoffman, 2000, Pilosopiyador at teyorista ng “ego death” na pinatalsik ang Jesus ng kasaysayan.

Burton Mack, 2001,The Christian Myth: Origins, Logic, and Legacy. Ang papel ng lipunan sa paglalang ng kathang-alamat.

Luigi Cascioli, 2001, The Fable of Christ. Pagsasakdal sa sangkapapahan ng pagkakamal ng yaman batay sa isang pandaraya.

Israel Finkelstein, Neil Silbermann, 2002, The Bible Unearthed: Archaeology's New Vision of Ancient Israel and the Origin of Its Sacred Texts. Matapang na arkeyologo na bihasang pinatunayan na kapwa huwad ang mga saligang kuwento ng Judaismo at Cristianismo.

Frank R. Zindler, 2003, The Jesus the Jews Never Knew: Sepher Toldoth Yeshu and the Quest of the Historical Jesus in Jewish Sources. Walang katunayan sa mga saligang Judio para sa isang multong mesiyas.

Daniel Unterbrink, 2004, Judas the Galilean. The Flesh and Blood Jesus. Sinaliksik na mabuti ang mga pagkakatulad sa pagitan ng isang rebelde ng 8 AD (rebelde laban sa mga buwis ng Roma) at ng multo ng mga ebanghelyo (si Jesus), Aniya, “si Judas ay si Jesus din”. O mas mabuting sabihin, bahagi ni Jesus.

Tom Harpur, 2005, The Pagan Christ: Recovering the Lost Light. Dalubhasa ng Bagong Tipan sa Canada at dating paring Anglicano, inulit ang mga kaisipang sinabi na ni Kuhn, Higgins, at Massey na si Jesus at isang kathang-alamat. Lahat ng mga mahahalagang bahagi ng Cristianismo ay makikita na noon pa sa Ejipto.

Francesco Carotta, 2005, Jesus Was Caesar: On the Julian Origin of Christianity.Isang malawakang paghahambing sa mga pagkakapare-pareho. Nakakaalarma lamang na si Jesus diumano ay si Caesar.

Joseph Atwill, 2005, Caesar's Messiah: The Roman Conspiracy to Invent Jesus (Ang Mesiyas ni Caesar: Ang Sabuwatang Romano Para Lalangin si Jesus). Isa pang pagratsada ng mga pagkakatulad sa pagitan ng mga ebanghelyo at ni Josephus. Pinapatunayan ni Atwood na ginamit ng mga mananakop noong unang siglo, sina Vespasian, Titus, at Domitian, ang mga Judiong nahawaan na ng kulturang Griyego na lalangin ang mga kasulatang “Cristiano”, nang sa gayo’y maitatag ang isang mapayapang alternatibo sa mapagdigmang Judaismo. Si Titus Flavius si Jesus? Hindi siguro.

Michel Onfray, 2005, Traité d'athéologie (2007 Pagsasanggalang sa Ateyismo) Piloposyador na Pranses, ibinandila ang tinatawag na positive atheism habang sabay pinapatunayan na walang Jesus ng kasaysayan. 

Kenneth Humphreys, 2005, Jesus Never Existed (Hindi Umiral si Jesus). Ang aklat na pinagbasehan ng website na ito. Pinisang magkakasama ang pinakamatitibay na pagbubunyag tungkol sa diumano’y engrandeng bayaning mesiyas. Iniakma ng may-akda ang kanyang mga pagpapaliwanag sa konteksto ng isang mapanganib na relihiyong umuusbong sa lipunan at kasaysayan. 

Jay Raskin, 2006, The Evolution of Christs and Christianities. Isang guro at dating tagagawa ng pelikula, pinagtuunan ni Raskin ang nasa likuran ng mga pagpapalabo ni Eusebius upang mahanap ang isang walak-watak na kilusang Cristiano, bukod pa sa isang Cristo.na pinagtagpi-tagpi mula sa maraming tauhan ng literatura at kaysayan. Ipinapalagay niya na ang pinakamatandang binhi ng kathang-alamat ni Cristo ay galing sa isang dula na isnulat ng isang babaeng nagngangalang Maria. Marahil.

Thomas L. Thompson, 2006, The Messiah Myth. Teyologo, pinuno ng pamantasan, at historyador ng Copenhagen school na nagsabing sina Jesus at David ay kapwa pinagtagpi-tagping karakter mula sa mga kathang-alamat na galing pa sa panahong Bronze Age sa Malapit na Silangan.

 

 

 

Home

MAJOR SECTIONS
Do you really think it all began with a sanctimonious Jewish wonder-worker, strolling about 1st century Palestine? Prepare to be enlightened.
  Jesus The Imaginary Friend

Still holding to the idea that some sort of holy man lies behind the legend? Better check out...
Godman – Gestation of a Superhero

A closer look at the glib assertion that the Jesus story "got off the ground quickly and spread rapidly."
What DID the Early Christians Believe?


Many currents fed the Jesus myth, like streams and tributaries joining to form a major river.
Sourcing the legend – The Syncretic Heritage of Christianity


Much of the mythology of Christianity is a rehash of an older and even more transparent fabrication – Judaism.
Jew Story – The Way of the Rabbi


Human ingenuity and cunning is matched by mankind's equally monumental credulity and wishful thinking.
Christianity's Fabrication Factory


Church organisation, authority and membership preceded rather than followed the justifying doctrine. As the organisation and its needs changed so has the ‘Testament of God’ adapted accordingly.
Dogma – The Word in all its Savage Glory

From religious policeman to grandee of the church, from beast fighter in Ephesus to beheading in Rome, Paul's story has more holes than a swiss cheese.
 St Paul the Apostle Dead in the water?


Orchestrated by ambitious Christian clerics, a cancer of superstition, fear and brutality was imposed across Europe.
Heart of Darkness – The Criminal History of the Christian Church


The Christian Heaven may have been a vain folly but the Christian Hell has been real enough.
Hell on Earth – A Brutal Superstition Spreads Across the World


Raised to the status of State religion the Christian Church reigned over the destruction of civilization. As the centuries passed religious barbarism grew ever more vicious.
Winter of the World – The Terrible Cost of "Christendom"

For two millennia Christianity's anti-sexual, puritanical doctrines have inflicted untold damage on the mental, emotional and physical lives of countless millions of people.
Those SEXUALLY hung-up Christians – Loved-up for Jesus


With a Jewish father (stern patriarch) and a Christian mother (obsession with guilt and heaven) it is not surprising that Islam grew up a bit of a tartar.
Islam's Desert Storm – 'Christendom' Reaps a Whirlwind

Heaven help us. The richest, most powerful nation in history has a psychotic infatuation with Jay-a-sus the Lawd!
The Christianizing of the Americas
 

 

 

'Save' a friend e-mail this page

 

Copyright © 2008 by Kenneth Humphreys.
Copying is freely permitted, provided credit is given to the author and no material herein is sold for profit.