Kaunti nito …
''Ang mga sinaunang Misterio-Relihiyon ay mapamulot … Namulot ang mga Ejipcio sa kulto ni Mithra ng Persia, at namulot ang mga Griyego sa kulto ni Isis ng mga Ejipcio."
– S. Angus, Ang Mga Misterio-Relihiyon, p20.
Si Big Foot
Isang dambuhalang paa gawa sa marmol mula sa Alexandia ng ika-2 siglo – marahil galing kay Seraphis (Nasa British Museum).
Si Antious: ‘Nagpakita Matapos Mamatay…’
Isang haliging obelisko para kay Antinous (Ika-2 siglo, Roma), bilang pag-aalaala kay ‘Osiris-Antinous na Matuwid’.
Sinasabi sa lapida na si Antinous ay ‘napakita sa mga panaginip matapos mamatay’.
Yan Ang Dapat Gawin!
"Alang-alang kay Antinous, isasagawa ang buong makinarya ng isang kulto sampu ng mga templo at mga pari, mga rebulto at mga dambana, mga orakulo at mga hiwaga, mga palaro at ang isang alamat na maingat na binuo. Ang kanyang mukha lamang sa mga hindi naging emperador ang kaisa-isang lumitaw sa mga salapi.”
– R. Lambert (Minamahal at Dios, p147)
|
Mula sa Ejipto Romano: Halo-halong Sinauna
Sa pagkadagdag ng Ejipto sa imperyo Romano noong 30 BC, naalis sa mga Griyego ang kapangyarihan bilang mga pangulo ng bansa. Nangyari, bilang mga politiko na wala nang pamamahala, unti-unting niyakap ng mga Griyego ang mga paniniwala ng mga katutubong Ejipcio.
Ang mga Ejipcio, laging nasa pinakamababang bahagdan ng lipunan, ay higit pang pinatawan ng mga buwis ng mga Romano kumpara sa mga Griyego. Masahol pa dito, dahil naging mga alipin na sila ng isang malayong ‘caesar’ na hindi naman nila makasalamauha, naipagkakait sa kanila ang kanila sariling dios na haring faraon. Sapagkat mga saradong deboto, napilitan sila na mag-ibang anyo ng relihiyon upang mapunan muli ng mga bathala ang kanilang matandang teyolohiya.
Sa magulong labo-labo na ito ay pumasok pa ang mga Judio, na sa loob ng maraming siglo ay isang minoryang mainitin, lalo na ang mga nasa Alexandria. Mga nawalan ng tirahan pagkatapos ng pagwasak sa Templo noong 70, ang buong pamayanang Judio ay halos malipol kasunod ng paghihimagsik nila noong 115-117. Isang daluhong ng mga Judiong migrante at mga alipin naman ang umabot sa Ejipto pagkatapos ng digmaan sa Palestina noong 132-135.
Kabilang sa mga lahing ito na pawang nawalan ng bayan at patutunguhan ay ang mga alagad ng mga sari-saring kulto at mga ‘misterio-relihiyon’, na nag-uunahan sa pag-akit ng mga kaanib at nagnanakawan mula sa isa’t isa ng mga ideya. Ang pinakamatagumpay na kulto sa kanilang lahat – ang pangunahing halimbawa ng pamumulot – ay ang Cristianismo.
Nilikha ng mga Griyego ang isang pangkalahatang Dios: si Serapis
Inasam ng unang Griyegong faraon ang isang pinagsama-samang dios nang sa gayo’y pagkaisahin ang kanyang mga nasasakupan. Bilang isang klasikong halimbawa ng paraan na tinatawag na sinkretismo (o pamumulot), ang mga personalidad at katangian ng ilang mga matatandang dios ay pinaghahalohalo sa iisa. Ang naging bunga nito ay ang dios na si Serapis.
Noong ika-3 siglo BC, and pagsamba kay Serapis ay isang kultong itinataguyod at pinuponduhan ng pamahalaan sa buong Ejipto. Sa patuloy na pananakop ng Roma, kumalat ang kulto sa buong Imperyo. |
Si Osiris
Si Osiris ay isang pangunahing dios ng mga Ejipcio at hari ng Lupang Ilalim.
Nagsimula ang kanyang mahabang karera bilang dios ng pagsasaka at ng kalikasan noong ika-5 dinastiya. (2466 – 2323 BC)
Apis |
Si Hades
Ang Griyegong dios ng Lupang Ilalim
|
Si Dionisio
Ang Griyegong dios ng pagsasaka at ng alak
|
Si Serapis
Griyego-Ejipciong bersiyon ni Zeus
“Ang mapalad na mang-aagaw na ito ay ipinasok sa luklukan at higaan ni Osiris,” (Gibbon)
|
Ang basker (o ‘kaing’) sa kanyang ulo ay nagpapakilala ng masaganang ani. |
Apis, was the god of Memphis.
A bull was chosen for the distinctive marks on
its body and was considered to have been born by a virgin cow impregnated by the local creator god
Ptah.
The local trinity was Ptah-Sokar-Osiris. |
Si Serapis
Ang bagong dios ay kumuha ng mga katangian ng mga mas maunang kadiosan, kabilang dito sina Osiris at si Apis ng Ejipto at si Dionisio ng mga Griyego. Pakay ng mga Ptomeleo na ang bagong dios ay may pangkalahatang halina sa isang bansang lalo pang umuunald. Bunga nito, nagkaroon ng 200 iba’t ibang lokal na pangalan ni Serapis, kabilang dito (ayon sa mga sulat ni Emperodor Hadriano) ang pangalang Cristo!
Major temples
of the god were built at Alexandria and Memphis.
The Sarapeum in Alexandria was one of the grandest
monuments of pagan civilization. This vast complex
of buildings itself blended Egyptian 'gigantism'
with the grace and beauty of the Hellenic.
Of all
the Pharaonic /Greek gods Serapis survived the longest,
well into the Roman period. In fusing
the character of so many earlier gods into Serapis the
practice of virtual monotheism was established
in Alexandria over several hundred years. |
|
|
Ang dambanang may mga sungay – para sa dios na si Serapis!
Sa Griyegong pulo ng Delos, kabisera ng Buklurang Ioniko, ika-3 siglo BC |
Ang Dambana Kay Yahweh?
“At natakot si Adonias dahil kay Solomon, at tumayo, and naparoon, at nangapit sa mga sungay ng dambana."
1 Hari 1:50 |
Paghahalo-halo – Pagbaling sa Katutubo ng mga Griyego sa Ejipto
Mula sa paghahari ng unang Ptolemeo noong ika-4 na siglo BC, itinatanim ng mga Griyego ang kanilang kultura sa Ejipto. Ngunit malayo sa pagkahawa ng matandaing lupaing ito sa mga kaisipang Griyego, sa malaking paraan ang mga Griyego ang nahawa sa mga sinakupang Ejipcio. Ang proseso ay napadali pa matapos na humalili ang mga Romano, nang mawala na sa mga Griyego ang kapangyarihan. |
Ilawang-langis mula sa Alexandria (Ika-2 siglo BC)
Sa loob, makikitang naliligo ang Griyegong diosa na si Aphrodita. Nakabantay sa pintuan, mga haliging istilo Griyego ngunit may mga ulupong at mga ulo ni Horus sa tuktok! |
Mummy mula sa Ejipto, bangkay na Romano/Griyego
Faiyum, sa Ejipto (Ika-3 siglo AD)
|
Pagsusnog ng Bangkay Laos Na!
Una – ika-4 na siglo AD
Tinalikuran ng mga Griyegong taga-Ejipto, na noong una ay naniniwala na tanging ang kaluluwa lamang ang walang kamatayan, ang gawaing pagsusunog sa mga patay at niyakap ang kaugaliang mamipikasyon ng mga taga-Ejipto – dahil sa paniniwala sa pagkabuhay na muli ng katawan, isang kaisipan na dumaloy sa baguhang Cristianismo.
Ang larawang nakaukit sa kanilang mga mummy ay nagpapakita ng kasuotan at alahas ng mga Romano samantalang Griyego naman ang istilo. |
Mga Sigurista
Isang lapida na nagbibigay-parangal kapwa sa mga alamat na Griyego at Ejipcio:
Sa bandang ibabaw, lubusang maka-faraon – makikitang inihahanda nina Anubis, Isis, at Nephthys ang bangkay para sa kabilang buhay.
Sa bandang ibaba, lubusang Griyego – makikitang itinatakas ni Hades si Persephone, Artemis na may pana, Athena na may sibat, si Aphrodita.
(Sa katakomo ng Kom es-Shoqafa, unang siglo AD). |
|
|
Mga kaugaliang sa paglilibing
Griyegong ataul (punong-ubas at mga satir ni Dionisio sa harap ng larawang Ejipcio (Anubis, Horus at Thoth)
(Sa katakomo ng Kom es-Shoqafa sa Alexandria)
|
|
|
Nilikha ng mga Romano ang isang Dios: si Antinous
Dahil isang taong maka-relihiyon, pinakahulugan ni emperador Hadrian ang pagkamatay ng kanyang kasintahan sa isang paraang maka-relihiyon. Ayon sa mga ulat mula sa Ejipto, ang pagkamatay sa ilog ng Nile ay isang “pag-aalay ng buhay” para kay Hardian na rin, alang-alang sa kanyang patuloy na kaligtasan. Hindi sununog ang mga labi ni Antinous at sa halip ay inimbalsamuhan.
Hindi nagtagal, noong mga 130 AD, ang pagsamba kay Antinous is naging isa nang kultong hindi lamang pang buong imperyo kundi nasa pangangalaga ng pamahalaan. Samantala ay inaakda na ng mga manunulat Cristiano ang mga ebanghelyo … . |
Si Antinuos
Isang Mabait na Binatang Griyego.
Kasintahan ni Emperador Hadrian, nalunod sa ilog ng Nile noong 130. Ginawang dios ng isang nagluluksang Hadrian, nagpatayo ng isang buong lungsod para sa kanyang alaala – ang Antinoopolis.
|
… naging dios ng mga Romano
|
… naging dios ng mga taga-Ejipto
|
… naging Cristo
Ang kulto ni Antinous ay isinapi sa isang mas masigasig na Cristianismo noong ika-4 na siglo.
Si Antinous nang ika-4 na siglo, tangan ang krus sa isang kamay – at ang mga ubas ni Dionisio sa kabila! (Mula sa isang monumento sa Antinoopolis, Staarlich Museen, Berlin) |
Cristong Coptiko nang ika-6/7 siglo
Bahis ito – ngunit ihambing kay Antinous sa itaas! |
|
|
At winasak ng mga Cristiano ang isang Dios …
Ang malaking rebulto ni Serapis at ang kanyang templo ay winasak ng isang naghuhuramentadong kinapal ng mga Cristiano noong 391, upang bigyang daan ang bagong ukupante – si Cristo Jesus.
Si Teofilo, Obispo ng Alexandria, ay nakatayo sa ibabaw ng santuaryo ni Serapis (makikita ang kanyang ulo sa kaliwa sa ibaba), habang niyayaya ang isang monastiko na magpukol ng mga bato.
(Alexandrian World Chronicle, ika-4 siglo) |
|
Copyright © 2010
by Kenneth Humphreys.
Copying is freely permitted, provided credit is given to the author and no
material herein is sold for profit.
|
|